Wednesday , July 24 2024

Radio Active babawi kay Dewey Boulevard

NAKATAKDANG sumigwada ang 3rd Leg Triple Crown Stakes Race sa July 10, 2016 sa pista ng San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.

Ito ang magiging ikatlong beses na paghaharap nina Radio Active at Dewey Boulevard sa prestihiyosong stakes race.   Matatandaan na dinomina ni Racio Active ang unang Leg pero agad na nakabawi si Dewey Boulevard sa 2nd Leg.

Inaasahan na puspusan ang ginawang preparasyon ng mga handlers ng dalawang kampeong kabayo para sa ikatlo nilang paghaharap.

Ang iba pang kalahok sa pantaunang stakes race ay sina Guatemala, HOmonhon Island at Underwood.

May nakalaang P3 milyon na hahatiin ng mga sumusunod na darating sa meta:   1st prize, P1,800,000; 2nd P675,000; 3rd P375,000;  at 4thP150,000.

May nakalaan ding P100,000 para sa breeder ng mananalong kabayo.

Samantala, nakatakdang humataw sa nasabing petsa at pista ang 2016 Philracom Hopeful Stakes Race na lalahukan nina Indianpana, Mount Iglit, PInagtipunan, Pinay Pharaoh, Real Flames, Secret Kingdom, Space Needle at Tagapagmana.

Ilalarga rin sa nasabing araw at parehong pista ang 3yo Locally Bred Stakes Race na sasalihan nina Leave it to me, Piskante at Play it Safe.

Maglalaban-laban din ang mga kabayong Atomicseventynine, Eugenie, Holly Bear, Messi, Giant Rainbow at Our Angel’s Dream.

About hataw tabloid

Check Also

Jean Richeane Dela Cruz Rhiana Kaydee Nialla

Dela Cruz, Nialla ratsada sa Speedo Novice and Sprint tourney

NASUNGKIT ng baguhang manlalangoy na sina Jean Richeane Dela Cruz at Rhiana Kaydee Nialla ang …

2024 V-League Collegiate Challenge

Elite collegiate team sa V-League Collegiate Challenge magsasagupaan

AAKITIN ng 2024 V-League Collegiate Challenge ang mahihilig sa volleyball sa isang linggong pagpapakita ng …

Daniel Maravilla Quizon PCAP Chess

Quizon naghari sa PCAP chess tournament

PINATIBAY ni Grandmaster elect at International Master Daniel Maravilla Quizon ang kanyang posisyon bilang isa …

Eric Buhain Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

INIHAYAG ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) sa pakikipagtulungan ng Speedo Philippines ang pagdaraos ng 2024 …

National University NU Lady Bulldogs SSL National Invitationals

NU Kampeon sa SSL National Invitationals

IGINAWAD nina Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Fritz Gaston at Vicente Gregorio President/CEO ng Shakey’s …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *