Saturday , April 13 2024

Sobrang struggle sa akin ‘pag may drama scenes — Maine

HINDI pa rin carry ni Maine Mendoza ang gumawa ng soap opera. It’s like throwing her out of her comfort zone.

Kahit na pala umapir na si Maine sa Princess in the Palace bilang Chef Elize ay hindi pa rin siya comfortable na magdrama sa soap.

“Kasi po ang feeling ko ay hindi pa po ako ready (na gumawa ng teleserye). Ang feeling ko ay ang dami ko pang dapat pagdaanan before ako lumabas sa teleserye,” say ni Maine sa presscon ng Imagine You and Me.

“Nahihirapan pa po talaga ako. Ang hirap pong sabayan ni Alden kasi forte niya ‘yung drama. Ako, comedy kasi ako. Alam mo naman, araw-araw sa ‘Bulaga’ comedy ang ginagawa namin doon so sobrang struggle talaga sa akin every time na may drama scenes,” dagdag pa niya.

O, baka mag-react na naman ang AlDub fans kung bakit kami naimbitahan sa presscon ng Imagine You and Me. Wala na kayong magagawa, na-invite kami.

UNCUT – Alex Brosas

About Alex Brosas

Check Also

Klinton Start

Klinton Start, magiging active ulit sa showbiz pag-graduate ng kolehiyo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA KANYANG pag-aaral muna sa kolehiyo ang naging focus ngayon …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Kilalang direktor nag-resign dahil sa sobrang ‘komesiyal’ ng production

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAANO kaya ka-true ang tsismis na umano’y nag-resign ang isang kilalang direktor sa …

MarVen KrisshRome HyGab Marco Gallo-Heaven Peralejo, Krissha Viaje Jerome Ponce  Hyacinth Callado Gab Lagman

3 loveteam ng VAA pantapat sa mga kilalang tandem

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UY, may tatlong love teams ang Viva Artists Agency na ipanlalaban sa mga …

Sparkle artists

Sparkle artists magkakaroon pa ng shows sa LA at Japan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI pang shows abroad this year ang aabangan sa Sparkle artists …

Jose Javier Reyes FDCP

Direk Jose Javier kayanin kaya ang pressure sa FDCP?

REALITY BITESni Dominic Rea MAPANINDAGAN kaya ni Direk Jose Javier Reyes ang pagkakatalaga sa kanya ngayon bilang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *