Wednesday , June 24 2026

Durant lumipat sa bakuran ng Warriors

KOMPIRMADONG jersey na ng Golden State Warriors ang isusuot ni former scoring champion Kevin Durant sa susunod na season ng National Basketball Association, (NBA).

Inanunsyo kahapon sa The Players Tribune na lalaro sa Golden State ang free agent at Oklahoma City Thunder star player Durant.

Pumayag si Durant sa two-year, $54 million deal at player option sa second year na oper sa kanya ayon sa The Vertical.

Nakipagkita si Durant sa Golden State, Boston, Miami, San Antonio at Los Angeles Clippers at pagkatapos ay piniling maging kakampi si two-time MVP Stephen Curry.

Bukod kay Curry, makakasama ng 27 anyos na si Durant sa team sina All-Stars Klay Thompson at Draymond Green.

Naiwan sa OKC si All-Star point guard Russell Westbrook.

( ARABELA PRINCESS DAWA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Serbia vs Dominican Republic W VNL

Serbia bumangon, Dominican Republic hanap pa rin ang unang panalo

MULING nakabalik sa tamang landas ang Serbia matapos pataubin ang Dominican Republic, 25-19, 25-23, 25-18, …

VNL USA Czechia

Sa Women’s Volleyball Nations League  
USA nagpakitang-gilas sa Pasig, Czechia tinambakan sa tatlong set

PASIG CITY — Mahigpit na pinigilan ng United States ang opensa ng Czechia upang itala …

PSAA Season Rise of Champions

PSAA Season 3: Rise of Champions aarangkada na ngayong Linggo sa Makati Coliseum

OPISYAL na bubuksan ngayong Linggo, June 21 ang Season 3 ng Philippine Schools Athletic Association …

Madi Kubik-Banks USA Dominican Republic VNL

Dinomina ng USA ang Dominican Republic sa one-sided na panalo sa VNL sa PhilSports

PASIG CITY — Nagpakita ng mahusay at organisadong laro ang binagong koponan ng Estados Unidos …

Volleyball Nations League VNL

Women’s Volleyball Nations League (VNL) Philippine leg
Mga Volleyball Powerhouse Maghaharap sa Philsports Arena

ISANG matinding hanay ng mga kampeon at medalists ang magtatagisan sa Philippine leg ng Women’s …