Wednesday , July 24 2024

Maine, aminadong ‘di pa handang mag-teleserye

KINASASABIKAN na ang  launching movie ng  phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza, ang Imagine You & Me na showing sa July 13.

Inamin nila na hindi mawawala ‘yung pressure at kaba sa outcome  ng movie nila dahil ‘yung loveteam na nila ang ibinebenta.

“Maski po  kami ay kinakabahan kung ano ang kalalabasan nito pero sigurado kami na  magugustuhan nila ang istorya at talagang pinaghirapan namin,” sambit ni Maine.

“Sa ganitong kalaking bagay na nangyayari, after po ng ‘Tamang Panahon’ eto po ang second big break sa aming loveteam, excited po kami at hiniling po kasi ng mga tao ito sa amin, sa ‘Eat Bulaga’ po, kinakabahan po kami in a sense at may pressure dahil mataas po ang expectation ng mga tao,” dagdag naman ng Pambansang Bae.

Sinabi rin ni Alden na dapat mapanood ang Imagine You And Me dahil sa Italy mismo. Hindi kasi swak ito kung sa ibang lugar kinunan ang pelikula. Talagang ginawa ang pelikulang ito na kinunan sa Italy dahil sa ganda ng  sceneries, ‘yung ganda ng location at ‘yung twist ng istorya. Dinala pa ang sensational loveteam sa matulaing lugar ng Como at Verona sa Italy na halos ang kabuuan ng movie ay doon ginawa.

May halikan ba rito?

“Ay naku, marami po. Marami pong naghahalikan doon sa mga eksena na pinagkunan. Ganoon po sila ka-showy sa  affection nila with one another,” tugon ni Alden.

Ang sabi lang ni Direk Mike Tuviera, marami siyang sorpresa na mapapanood sa movie. May mga sikreto pa sila na hindi kailangang i-reveal.

After ba ng Imagine You  & Me, teleserye naman ang kasunod ng AlDub? Pero, how true na ayaw pa ni Maine na gumawa ng teleserye?

“Well, sa tingin ko, hindi pa ako ready. Parang kailangang marami pa akong pagdaanan before po ako lumabas sa teleserye,” deklara ni Maine.

“We’ll see naman po after  ng movie po at kung ano ang mangyayari sa aming dalawa pero ngayon po ay nilu-look forward talaga  namin  kung paano mag-perform ‘yung pelikula namin sa  takilya,” dagdag naman ni Alden.

Hindi pa ba kaya ni Maine ang mabibigat na eksena? ‘Yung may mga iyakan?

“Nahihirapan pa po talaga ako as in  ang hirap pong sabayan ni Alden. Forte po kasi niya ‘yun,eh drama. Comedy kasi ako. Sa ‘Eat Bulaga,’ ‘yun ang ginagawa namin sa araw-araw. Sobrang struggle kasi sa akin everytime  na  gumagawa ng heavy scenes,” bulalas ni Maine.

Paano kung ipartner muna  si Alden sa iba sa teleserye gaya ng napapabalitang project with Jennylyn Mercado, ano ang magiging reaksiyon niya?

“Well, susuportahan ko naman si Alden kung ano ang gagawin niya in the future, after ng  movie kung ano po  ang mangyayari, susuportahan ko pa rin po siya,” pakli ng Dubmash Queen.

Pero sabi ni Alden, kakaibang Maine ang mapapanood sa  Imagine You & Me.

“Kahit  ako po… aminin ko po pumurol po ako sa acting when we started shooting the movie kasi ang tagal ko pong nabakante sa soap. Matagal po ako nabakante sa guesting,”sambit ni Alden.

Anyway, ngayong hinog na sa launching movie, nagsanib-puwersa ang APT Entertainment, GMA Films, at M-ZET Television, Inc. para gawin ang Imagine You & Me. Ang premyadong director na si Tuviera ang naatasang magdirehe.

Si Alden si Andrew na isang brokenhearted guy  na naninirahan sa Italy. Isa namang overseas foreign worker si Maine bilang si Gara. Hindi naging maganda ang karanasan ni Andrew sa pag-ibig habang si Gara naman ay hopeless romantic  na naghahanap ng kanyang magiging Romeo bilang  Mr. Right.

Magkaiba ang mundo at pananaw sa pag-ibig nina Andrew at Gara. Incompatible rin sila sa isa’t isa. May puwang bang magmahalan ang dalawang taong taliwas ang pananaw sa buhay at pag-ibig?

Damhin ang pag-iibigan nina Andrew at Gara. Makisaya sa mga lambingan nila at makiiyak sa kalungkutan na nadarama nila sa IYM.”

It’s worth the wait ayon kay direk Mike. Higit daw ninyong mamahalin ang AlDub loveteam once mapanood ang Imagine You & Me.”

May ups and downs man ang buhay showbiz nina Alden at Maine, siniguro naman ng Dubsmash Queen na getting stronger ang friendship nila ng Pambasang Bae.

Bilang bonus, gumawa ng kanta si Maine na swak sa movie. Fifteen minutes niyang isinulat ito pagkatapos mabasa ang script ng Imagine You & Me. Lumabas daw ‘yung thoughts at feelings kaya mas naging madali.

“Kasi fresh pa po ang feelings sa akin, fresh pa po ang emotions. Talagang damang-dama ko po.

Puro puso po at damdamin. Hinayaan ko lang ang aking mga daliri na i-type ang tamang salita, Hugot na hugot po.” Aniya.

Siya rin ang kumanta nito  at kinilig naman si Alden sa kanta. Mayroon din silang duet ni Alden.

Regalo rin nina Alden at Maine ang IYM sa nagmamahal nilang tagahang sa unang taong anibersaryo ngayong Hulyo.

Feel and spread the love na hatid nina Alden at Maine July 13!

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Cecille Bravo PWDW Filmfest Peoples Legacy Awards

PWDW Filmfest People’s Legacy Awards 2024 matagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang inaugural PWDW Film Fest People’s Legacy Awards 2024 na ginanap sa  QCX …

GMA Gala PBB Gen 11

PBB at GMA Gala nagtapatan, sino ang nag-trending?

I-FLEXni Jun Nardo KATAPAT sa  streaming ng GMA Gala ay ang pagbubukas muli ng Bahay ni Kuya …

Barbie Forteza Herlene Budol Kyline Alcantara Kobe Paras

Barbie patakbong tinulungan si Herlene; Kyline nakaw-eksena sa kasamang escort 

I-FLEXni Jun Nardo HINANGAAN si Barbie Forteza na nakuhanang tumulong kay Herlene Budol nang mahulog ito sa isang bahagi …

Sophia Nadia Montenegro Baron Geisler

Baron wala pang pag-amin na anak si Sophia

HATAWANni Ed de Leon HINDI diretsahang inamin ni Baron Geisler na anak nga niya ang bunsong anak …

Isko Moreno

Isko Moreno llamado sa muling pagtakbo sa Maynila

HATAWANni Ed de Leon ANO tatakbo na naman si Isko Moreno bilang mayor ng Maynila sa 2025? …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *