A Dyok A Day: Dininig ang dasal

DALAWANG lorong babae ang inirereklamo ng  nagmamay-ari sa kanila sa isang pari…

LADY: Father nakakahiya ang dalawang loro ko. Tuwing may nakikita silang tao sinusutsutan nila tapos sasabihin, “Halika, lumapit ka, patitikimin ka namin ng ligaya.”

PARI: Naku nakakahiya nga ‘yan. Pero sandali, mayroon akong dalawang lorong lalaki na tinuruan kong magdasal, mag-rosaryo at magbasa ng Biblia. Dalhin mo rito ang mga loro mo para matigil na ang masamang sinasabi nila.

LADY: Thank you, Father. Ito na nga yata ang solusyon.

Nang sumunod na araw, dinala ng babae ang kanyang dalawang loro sa dalawang loro ng pari, pero pagkatapos ilapag, biglang nagsalita: “Halika, lumapit ka, patitikimin ka namin ng ligaya.”

Natahimik ang lahat. Habang ang na-shocked na lalaking loro ay nagsalita sa kanyang kasama…

LORONG LALAKI: Frank, itago mo na ‘yang rosaryo mo, dininig na ng Diyos ang dasal natin!