Thursday , July 25 2024

Mtrcb ayaw pamunuan ni Arnel Ignacio

KILALANG masugid na supporter ni Presidente Rody Duterte si Arnel Ignacio kaya kumalat agad ang espekulasyon sa social media na baka kay Arnel ibigay ni Digong ang pamamahala sa MTRCB?

Pero mukhang malabo raw itong tanggapin ni Arnel dahil wala raw siyang alam pagdating sa ganitong field at mas makabubuting ibigay ito sa eksperto sa nasabing larangan tulad ng kasalukuyang nakaupo ngayon sa MTRCB na si Toto Villareal.

Pero sabi kahit tanggihan ni Arnel ang pamumuno sa MTRCB dahil malapit siya ngayon kay Duterte ay tiyak na mabibigyan siya ng puwesto sa bagong gobyerno. At puwedeng maging kapalit ni Dingdong Dantes si Arneli bilang Commissioner ng National Youth Commission.

Why not gyud!

CESAR MONTANO KAKAKAMPI O KAAWAY NI COCO MARTIN SA FPJ’S ANG PROBINSYANO?

MALA isang malaking hard action movie ang episode na napanood nitong Biyernes sa pambansang teleserye ng Pinoy na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Ito ang eksena sa pangunguna ni Police General Delfin Borja (Jaime Fabregas), apong si Cardo (Coco Martin) at mga kapwa pulis, sa kanilang operasyon sa sa pagtugis sa Chinese drug lord na si Ching Lao (Mon Confiado), Wendell Ramos at mga tauhan nito sa pagawaan ng droga.

Bagama’t hindi si Cardo ang nakapatay kay Lao, kundi ang ang business partner na si Tomas (Albert Martinez) ang tumapos sa buhay ng number one supplier ng cocaine sa Hong Kong ay nawalis naman ang grupo ng sindikato.

Wala na rin sa panganib ang buhay at malaya na sina Martha (Angelica Panganiban) at kaibigan nitong si Nikki Valdez na nakulong sa Hong Kong.

Si Tomas (Albert Martinez) kung hindi lang pinasabog ang planta ng shabu at nakatakas ay mahuhuli na sana ni Cardo at mabubunyag na sana ang kasamaan sa mga gawaing illegal mula sa pagdukot sa mga bata, pagpatay kay Carmen (Bela Padilla) at pagbebenta ng internal organs at utak ng ipinagbabawal na gamot sa bansa, na sumisira sa buhay ng tao.

Kabadong-kabado na at guilty ang anak ni Tomas na si Joaqui (Arjo Atayde) na tulad ng kaniyang ama ay mala-demonyo rin ang katauhan sa serye.

Samantala may bagong papasok na karakter sa Ang Probinsyano sa katauhan ng action-drama actor na si Cesar Montano, bilang si Hector Mercurio. Siya ba’y magiging kaaway o kakampi ni Cardo?

Abangan ang kuwento ni Hector at patuloy na misyon ni Cardo sa FPJ’s Ang Probinsyano na mapapanood Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng TV Patrol.

PILOT EPISODE NG “SA PILING NI NANAY” TRENDING AGAD SA TWITTER    

Marami ang naantig sa pilot episode ng pinakabagong afternoon prime series ng GMA na “Sa Piling Ni Nanay” na pinagbibidahan ng Starstruck Batch 1 graduates na sina Yasmien Kurdi, Mark Herras at Katrina Halili.

Kinaawaan ng manonood ang convincing na pagganap ni Yasmien bilang isang surrogate mother habang kinaiinisan naman nila ang pang-aapi ni Katrina rito.

In fact, sa kanilang Twitter party, nakuha ng hashtag na #SaPilingNiNanay ang pangatlong spot sa trending topics sa Filipinas. Wagi rin sa TV ratings nationwide ang drama series. Kaya naman agad na nagpapasalamat si Yasmien sa suportang natanggap nila mula sa netizens at viewers sa kanilang pilot episode.

“Maraming salamat po sa pagsama sa aming Twitter party! Thank you at inilagay ninyo kami sa 2nd spot ng trending list sa pilot episode po namin kanina… and as of now 6:15pm, dalawang oras pa rin po ang#SaPilingNiNanay sa 3rd spot ng trending. Nakaiiyak… sana po nagustuhan n’yo ang aming programa. Maraming salamat po mga Kapuso!” ani Yasmien.

BACK TO BACK – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *