Melai, nanganganib ang buhay
NANGANGANIB ang buhay ni Melai Cantiveros (Maricel) sa nalalabing huling tatlong linggo ng We Will Survive.
Mas titindi ang mga pagsubok na haharapin nina Pocholo (Carlo Aquino) at Wilma (Pokwang) ngayong hindi pa rin nagigising si Maricel matapos itong maaksidente sa Kapamilya afternoon series We Will Survive.
Bagamat hindi nagpapakita ng senyales ng buhay si Maricel, hindi pa rin mawawalan ng pag-asa ang kanyang nobyong si Pocholoย na gumaling at manumbalik ang kanyang dating lakas. Lubos ding apektado ang kanilang anak na si Jude (JoshDe Guzman) ngunit tutulungan nila ang isaโt isa upang magkaroon ng lakas na harapin ang pagsubok na kanilang pinagdaraanan.
Magkaroon pa kaya ng katuparan ang mga pangarap ni Pocholo para sa kanyang pamilya? Kailan nga ba magigising si Maricel?
Marami pang dapat abangan kaya tutukan ang teleseryeng nagpapakita na gaano man kapangit ang mundo, gaganda ang buhay bastaโt magkasama tayo, ang We Will Survive tuwingย 5:00 p.m. sa ABS-CBNย 2.
TALBOG – Roldan Castro
