Saturday , April 13 2024

Angeline, muntik mapamura sa ASAP

EVOLVING ang ASAP, the longest running  weekend variety show. Hindi kasi ito stagnant, marami silang pakulo and its recent segment called ASAPinoy pays tribute to Original Pilipino Music (OPM).

Kabilang si  Angeline Quinto sa mainstays sa ASAP. During the question and answer portion ay natanong ang cast members  kung ano ang hindi nila makakalimutang experience while performing live sa nasabing Sunday show ng Dos.

“Ang hindi ko makakalimutan talaga sa ‘ASAP’ prod ay ‘yung production number namin ng Pinoy Champs kasi nadapa ako.  Ang daming nagtanong sa akin kung bakit daw ako nadapa kasi ang problema po talaga noon ay ‘yung  damit ko na hindi ko na-fit.  Ibinigay sa akin ang damit  noong Sunday ng umaga at ginamit ko na siya agad. Ang hirap niyon kasi biglang nahati ang isip ko. Anong gagawin ko? Mabuti na lang naisip ko hindi ako napamura katulad ni Ms. Claudine (Barretto). Hindi, kasi ang daming nagkompara po sa akin doon, eh. ‘Mabuti na lang hindi ka nagsabi ng masama. Mabuti na lang talaga  napatahimik lang ako kasi  lahat po ng tao ay nag-react ng ‘Oh, my God!’” kuwento ni Angeline.

“Siguro mas nakatutulong po talaga sa akin ‘yung pagsali ko ng mga amateur singing contest kasi  ilang beses na ring nangyari sa akin noong bata ako na kumakanta ako sa fiesta na biglang namatay ‘yung music so wala akong ibang gagawin kundi ituloy na lang ‘yung kanta ng a capella hanggang matapos. At saka kapag propesyonal ka naman  talaga ‘di ba the show must go on. Siguro lahat ng professional na kagaya ko ay talagang ‘yun po ang masasabi,” dagdag pa niya.

Pangungunahan ng Tribute Masters na sina Gary Valenciano at Martin Nievera ang ASAPinoy na magsisimula sa Maestro Series featuring  the works of OPM greats Ryan Cayabyab, Louie Ocampo, Willy Cruz and George  Cansecona magsisimula na today.

Ang ilan pang ASAP segments na inaabangan ay ang ASAP Birit Queens na kinabibilangan nina Morisette Amon, Klarisse de Guzman, Jona Viray and Angeline Quinto, ASAP Soul Sessions featuring Kyla, KZ Tandingan, Jay R, Jason Dy and Darly Ong at ASAP LSS (Love songs and Stories) with Jolina Magdangal.

UNCUT – Alex Brosas

About Alex Brosas

Check Also

Klinton Start

Klinton Start, magiging active ulit sa showbiz pag-graduate ng kolehiyo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA KANYANG pag-aaral muna sa kolehiyo ang naging focus ngayon …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Kilalang direktor nag-resign dahil sa sobrang ‘komesiyal’ ng production

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAANO kaya ka-true ang tsismis na umano’y nag-resign ang isang kilalang direktor sa …

MarVen KrisshRome HyGab Marco Gallo-Heaven Peralejo, Krissha Viaje Jerome Ponce  Hyacinth Callado Gab Lagman

3 loveteam ng VAA pantapat sa mga kilalang tandem

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UY, may tatlong love teams ang Viva Artists Agency na ipanlalaban sa mga …

Sparkle artists

Sparkle artists magkakaroon pa ng shows sa LA at Japan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI pang shows abroad this year ang aabangan sa Sparkle artists …

Jose Javier Reyes FDCP

Direk Jose Javier kayanin kaya ang pressure sa FDCP?

REALITY BITESni Dominic Rea MAPANINDAGAN kaya ni Direk Jose Javier Reyes ang pagkakatalaga sa kanya ngayon bilang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *