Thursday , July 18 2024

Pagtaba ni Kathryn, kapansin-pansin

MARAMI ang nagsasabi na huwag hayaang magpataba ni Kathryn Bernardo at baka bumaling sa iba ang rumored boyfriend niyang si Daniel Padilla.

Marami pa namang nag-aabang sa Teen King, huh!

Napansin kasi sa mga naglalabasang photo sa internet na lumusog si Kathryn at lumaki ang braso habang nagso-shooting ng movie nila ni DJ sa Barcelona, Spain.

Mukhang hiyang sa ibang bansa si Kath.

Na-hit and run kami

PERSONAL: Sumama kami sa masayang outing/team building  ng Philippine Movie Press Club sa Golden Sunset Resorts ni Mother Ricky Reyes sa Calatagan. Gusto naming mag-relax at mawalan ng stress.

Pero pag-uwi namin ay na-stress kami dahil binangga ang aming sasakyan ng Canyon Red Sportivo na may plate number NQB 648 sa bandang Lian, Batangas.

Nakakaloka ‘yung girl na nagmaneho ng NQB 648 dahil ayaw huminto kahit nakabangga. Panay ang busina namin pero ayaw tumigil. Talagang binilisan niya ang pagmamaneho kahit hinabol namin.

Instead na bumaba, mag-sorry o harapin ang na-damage niya, nagawa niya itong takasan.

Anyway, sabi ng katotong George Vail Kabristante, kailangang ipa-blotter ito sa pulisya para ipaglaban ang human rights violation at ang pagiging iresposable ng babaeng driver. Kahit naabala kami at hindi na naabutan ang meeting namin sa Manila, kailangang maglaan kami ng oras.

Dahil dito, gusto naming pasalamatan ang  Chief  Investigator/ Desk Officer/Police Officer 3 na si Primitivo Macalindong Dayandayan sa Lian  Municipal Police Station. Gusto namin siyang saluduhan sa matapat niyang tungkulin. Kahit inaabutan namin ng kaunting pasasalamat at pang-merienda ay ayaw tanggapin pagkatapos gawin ang blotter.

Maraming salamat din sa Action Lady na si Ms. Kaye Dacer at Julius Babao sa panayam sa kanilang programa sa DZMM tuwing 11:00 a.m. to 12:00 noon para sa nag-hit and run at bumangga sa aming sasakyan. Salamat din po sa pag-endorse sa LTO. Natukoy na namin kung kanino naka-register at anong address nito. Kailangang maturuan siya ng leksiyon. Kung huminto lang sana siya at naging responsable at nag-sorry, hindi na aabot sa ganito.

Sa mga motorista, ‘wag pamarisan ang NQB 648 dahil mas malaking penalty ang haharapin ‘pag tumakas.

***

SINO kaya ang gagawing scholar ng singer-actress at bading na TV host sa Whitebird University’s Back to School na  magagap sa June 29, 9:30 p.m. sa White Bird, sa Roxas Boulevard, Baclaran, Paranaque City. Suki ang dalawang ito at madalas na present sa ganitong big event.

Super hot hot hot na gabi na naman ang magaganap at todong kaseksihan. For reservation and inquiries, maaaring tawagan sina Gellie Imperial, head manager, #09215571113 at ang OIC/visor na si Gretta Locca sa #09291282504. Sa mga young, good looking , sexy body , tall at tipong the boy next door, puwede ring mag-apply sa kanila para maging GRO/ models.

Napanatili ng Whitebird ang pagiging number one all male entertainment bar nila sa ‘Pinas.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Titus Low

Videos ni Titus Low pinagkakaguluhan ng mga beki

HATAWANni Ed de Leon NAGMUKHANG laos ang mga bagong BL films at BL internet series …

Barbie Forteza

Barbie dapat mabigyan ng magandang project

HATAWANni Ed de Leon NAGPUNTA kami sa isang malaking mall noong isang araw dahil may …

Priscilla tinapos relasyon kay John

HATAWANni Ed de Leon MUKHANG tinuldukan na nga ng modelo at international beauty queen na …

Vilma Santos

Nominasyon ni Vilma bilang National Artist haharangin daw

HATAWANni Ed de Leon MAY isa kaming kaibigan na nagsabing ano raw kaya ang magiging …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris sa loveteam nila ni Anthony na MaTho n— Sana magbunga pa, grabe ang pangarap namin

PROUD na proud si Maris Racal sa karakter na ginampanan niya sa Can’t Buy Me Love. Si Irene …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *