This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
PINAGSASAKSAK ng isang 26-anyos ina ang 3-anyos anak niyang paslit habang bangag sa droga kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.
Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Centre and biktimang si Alexa Rain Aviso, tadtad ng saksak sa ibaβt ibang bahagi ng kanyang katawan.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si Jin Pelayo, nakatira sa KCC Venterdeck Kapitbahayan, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) sa naturang lungsod.
Sa pagsisiyasat ni PO2 Edgar Valera, naganap ang insidente dakong 12:10 a.m. sa loob ng bahay ng mag-ina sa nasabing lugar.
Magkatabing natutulog ang mag-ina, pero nang magising ang suspek ay kumuha ng kutsilyo at pinagsasaksak ang anak.
Pagkaraan, tumakas ang suspek saka iniwan ang agaw-buhay na biktima.
Isinugod ng mga kapitbahay ang paslit sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.
Dakong 6:00 am nang isuko sa mga pulis ang suspek ng kanyang mga magulang.
Napag-alaman, bangag sa droga ang suspek nang maganap ang insidente.
Ayon sa suspek, biglang nagbago ang anyo ng kanyang anak na parang demonyo kaya nang makadampot siya ng kutsilyo ay pinagsasaksak niya ang paslit.
Nakatakdang sampahan ng kasong parricide ang suspek.