Friday , May 3 2024

Papang hunk actor ng sikat na komedyana silahista (Kaya pala short-lived ang romance)

ISANG male friend namin ang nag-chika na matagal nang silahista ang hunk actor na pinatulan at dinatungan ng sikat na komedyana na in-demand ngayon sa career sa pelikula at telebisyon.

Noong time raw na sumali sa talent search ng paguwapohan sa isang noontime show si actor ay may ka-on na kapwa guy. Siya ang kasa-kasama sa mga lakad iya pero nagkahiwalay sila at si actor ay kung kani-kanino na raw pumatol.

Ito rin daw ang rason kung bakit naging short-lived lang ang romance nila ng komedyanang naugnay sa kanya. Napipilitan lang daw talagang pumatol sa babae na makuwarta pero ang totoo ay diring-diri siyang makipag-chorvahan sa girl.

Bayot pala talaga gyud!

MISS EARTH 2015 ANGELIA ONG INSPIRASYON NG MGA KANDIDATA SA MISS MANILA 2016

Aminado ang Miss Earth 2015 na si Angelia Ong na naging broken hearted siya noong 2014 nang maging 2nd Runner-up lamang sa Miss Manila na binuo ni Mayor Erap Estrada.

Pero ‘yung pagkadesmaya ni Angelia ay napalitan nang labis na tuwa nang siya ang manalo sa Miss Earth.

Kaya nang dumalo sa recent presscon ng Miss Manila 2016 na ginanap sa Bulwagang Antonio Villegas ng Manila City Hall at hiningaan namin ng advice para sa 33 official candidates ng Miss Manila 2016 na kaniyang nasilayan ay narito ang naging tugon ni Angelia:

“Huwag kang tumigil kung meron kang pangarap, go for it at huwag kang panghinaan ng loob kung di mo makuha ang crown. Saka kung hindi ka mananalo rito ay mananalo ka sa ibang bagay. Like me, God preparing me for bigger and bigger at ipinagpapasalamat ko ‘yon sa kanya.”

Sa tanong kung may napupusuan na siya para maging title holder ng nasabing beauty pageant na ang grand coronation night ay gaganapin mamaya sa PICC, hosted by Edu Manzano and KC Concepcion, so far, hindi pa raw niya nakakausap ang mga kandidata at wala pa raw siyang napipili.

Pero sa usaping technical, meron na at nagagalingan siya sa 33 beauties n kinabibilangan ng mga sumusunod: Aya Frances Cruz, Cristelle Tolentino, Ganiel Akrisha Krishnan, Tenth-ten Rhea Doringo, Paolo Bianca Bagaforo, Angela Beatrice Cecilio, Mikaela Mendez, Mabel Verceles, Julyan Jazmine Leonida, Justine Ortega, Mae Kimberly de Luna, Meiji Cruz, Roselyn Evardo, Sarah Margarette Josos, Janette Roanne Sturm, Hannah Bithjah Merino, Anne Krishia Antonio, Mercegrace Raquel, Mehwish de Castro, Chantal Roi Serafica, Mary Rose Cajayon, Joanna Marie Rebe, Ruyeth Ann Mariano, Ruth Sabrina Linganay, Abegail Castro, Allana Coronel, Shenna Mae Zaldivar, Kristel Guelos, Marvelyn Talha, Lhorden Joy Trimor, Mecelle Clarice Silva, Feonna May Alloso, Ramona Yamat.

Kasabay ng coronation ang pagdiriwang ng Araw ng Maynila at ang event na ito ay may delayed telecast sa TV 5. Abangan ang announcement ng date at time ng airing ng nasabing event.

Ang Waterfront Hotel and Casinos ang official residence ng pageant at ilan sa kanilang mga sponsors ang Nisce Skin Care, Wranco Jeans, Urban Smiles Modern Dentistry with official media partners, Manila Bulletin, Peoples Journal & Peoples Tonight samantala ang PBO, Viva TV at TMC ang kanilang TV Partner.

Ang pageant ay inorganisa para maka-raise ng funds para sa  socio civic projects ng MARE Foundation na pinamununuan ng chairperson na si Ma’am Jackie Ejercito. Ang magbe-benefit ay mga mahihirap na residente ng Maynila na prayoridad tulungan ng foundation.

LOISA ANDALIO, KINIKILIG SA BAGONG KAPARTNER SA WANSAPANATAYM NA SI JEROME PONCE

Honest, nag-enjoy ang lahat ng entertainment press at bloggers sa masasarap na food na ipina-cater ng Dreamscape Entertainment sa aming pagbisita kamakailan sa set ng bagong handog na kuwento sa WANSAPANATAYM na “Candy’s Crush” sa mansion ng Vera Perez Garden.

Kaya busog na busog ang lahat nang makausap ang bagong tambalan nina Loisa Andalio at Jerome Ponce bibida na sa Candy’s Crush na inyo nang mapapanood simula ngayong June 26 sa Kapamilya network pagkatapos ng Goin Bulilit.

Actually hindi ito ang first project nina Loisa at Jerome together dahil nagkasama na sila noon sa nagwakas nang “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita” pero si Joshua Garcia ang ka love team rito ng young actress at suporta lang nila si Jerome.

But this time ang dalawa na talaga ang magkatambal sa bagong episode ng Wansapanataym. Ang Candy’s Crush ay kuwento ni Candy na gagampanan ni Loisa, na sinubukang gumamit ng love potion o gayuma para mapansin ni Jerome.

“Gusto ko kasing gumanti sa kanya kasi may ginawa siya sa akin na hindi maganda, tapos ‘yun, gusto ko siyang gayumahin para pahirapan ko siya,” kuwento ng Kapamilya young actress sa press.

Nang pareho na silang tanungin ni Jerome kung naniniwala ba silang dalawa sa gayuma at if ever, na naniniwala sila rito sino naman ang gagayumahin nila? “Baka magalit sa akin ang KatNiel, kasi gusto kong gayumahin ay si Daniel,” sabay halakhak na sagot ni Loisa at para naman kay Jerome, “If given the chance, siyempre ang crush ko, si Ate Erich (Gonzales), gagayumahin ko lang para makausap, kuwentohan lang kami,” say ng lalong gumuguwapong young actor.

Uy, kilig-kiligan si Loisa kay Jerome na paulit-ulit ang tawag niya ng Ponce. Pero aminado na mas malapit pa rin siya kay Joshua na kaniyang original na kalabtim na sabi ay ka-MU na.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Kathniel Kathryn Bernardo Alden Richards

Daniel dinedma ni Kathryn, fans nalungkot

MATABILni John Fontanilla WALANG pagbating nangyari mula kay Kathryn Bernardo sa kaarawan ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel …

Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na …

Sarah Lahbati Zion Gutierrez

Sarah madamdamin ang pagbati sa kaarawan ng anak

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN ang pagbati ng aktres na si Sarah Lahbati na idinaan sa social media …

Paulo Avelino Luis Manzano

Luis bigong mapiga si Paulo sa lovelife

I-FLEXni Jun Nardo WALANG mapipiga kay Paulo Avelino pagdating sa kanyang lovelife. Eh kahit may paandar si Luis …

Juliana Torres Gomez Richard Gomez Lucy Torres

Goma at Lucy suwerte sa isa’t isa, 26 taon nang kasal

HATAWANni Ed de Leon HAPPY 26th anniversary to Congressman Richard Gomez and Mayor Lucy Torres-Gomez. Isipin ninyo, 26 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *