This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
MASASABI nating mahusay gumimik ang dalawang aktor ng Philippine show business na sina Baron Geisler at Kiko Matos.
Sabi nga, an idle mind is a devil’s workshop.
Ang alam natin, matagal-tagal na kasing walang proyekto sa pelikula o kahit sa telebisyon sina Geisler at Matos.
Hanggang maganap nga ang kanilang sapakan sa isang bar sa Quezon City.
Akala natin, ito ay isang eksena na magwawakas sa korte…
Pero nagkamali po tayo dahil ang eksena ay magwawakas sa Universal Reality Combat Championship’s (URCC) MMA ring.
Ang daming napapalakpak at napa-wow nang mabalitaan na gagawing pormal na laban ang away-kalye nina Geisler at Matos.
Pero nagulat din agad ang lahat ng napapalakpak at napa-wow nang muli nilang mabalitaan na pagkakakitaan pala nang malaki ang ‘sapakan’ na ‘yan.
E mantakin n’yo naman, tuloy na tuloy ang laban sa URCC Fight Night this coming June 25, 2016 sa Palace Pool Club pero para mapanood ito ay kailangan gumastos nang malaking halaga.
Ang “Single Entry” ay P1,200 (1 ticket no consumable drink nor food).
Sa Mezzanine Skybox, tosgas ng P60,000, ‘yan ay may 15 tickets at P20,000 consumable.
Habang sa iba ay gagastos ng P60,000, P50,000, P45,000, P40,000 hanggang P35,000. Mayroon din consumable food & drinks.
O ‘di ba?
Hindi ba’t maliwanag na gimik o negosyo ‘yang sapakan at pagbabati ‘kuno’ nitong sina Geisler at Matos?!
Paging movie producers and television networks, bigyan na ninyo ng project ang dalawang ‘yan para magkaroon ng pagkakakitaan hindi ‘yung kung ano-anong gimik ang ginagawa para kumita!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com