Leni etsapuwera sa inagurasyon ni Presidente Digong

Posted by

HINDI natin maintindihan kung bakit mariin ang pagtanggi ni incoming President Digong Duterte na magbukod sila ng inagurasyon ni Leni Robredo.

Nakalulungkot naman ‘yan.

Ang pakiramdam nga ng ilang nakakausap natin, parang may nagaganap na personalan?!

Kasi nga naman, noong panahon ni PNohindi nanalo ang kanyang vice president na si Mar Roxas, pero sabay ang inagurasyon nila ni VP Jojo Binay.

Ganoon din noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos. Natalo ang kanyang VP na si Emilio “Lito” Osmeña laban kay Joseph Estrada. Pero sabay ang inagurasyon ni FVR at Erap.

Si GMA at si Noli De Castro ay magkatiket sa isang partido kaya lalong walang problema sa kanilang inagurasyon.

Kaya naman nagtataka tayo kung bakit parang hindi tanggap ni Digong na magkasama sila sa inagurasyon ni Madam Leni.

Pero naniniwala tayo na darating ang araw na magkakasundo rin ang dalawa.

Parang mag-asawang nag-i-LQ lang ‘yan.

Abangan na lang natin kung sino ang unang manunuyo.

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com