Ang Zodiac Mo (June 10, 201)

Aries  (April 18-May 13) Sikaping hindi masayang ang pinaghirapang pera. Posibleng mairita ngunit makokontrol pa rin ito.

Taurus  (May 13-June 21) Sikaping hindi tumindi ang sitwasyon ngayon. Huwag paiiralin ang katigasan ng ulo.

Gemini  (June 21-July 20) Kapag sinikap mong ituon ang pansin sa isa o dalawang mahalagang bagay, tiyak na maganda ang magiging resulta nito.

Cancer  (July 20-Aug. 10) Sa kombinasyon ng emosyon at sociability, ikaw ay magiging good talker ngayon, ngunit kung magagawa mong kontrolin ang iyong sarili.

Leo  (Aug. 10-Sept. 16) Makararanas nang hindi inaasahang pagbabago ng imahe o pananaw na ikagugulat ng iba.

Virgo  (Sept. 16-Oct. 30) Kung ikaw ay naiinis o napipikon, sikaping kontrolin ang sarili.

Libra  (Oct. 30-Nov. 23) Ang mga nagnanais na mapanatili ang magandang katawan ay pinapayuhan ng mga bituin na mag-jogging o magsagawa ng breathing exercises.

Scorpio  (Nov. 23-29) Mainam na muling makipagkita sa inyong childhood friends.

Sagittarius  (Dec. 17-Jan. 20) Ang mga bituin ay nangangako ng pagiging positibo, tapang at kompiyansa.

Capricorn  (Jan. 20-Feb. 16) Mababatid mong ang iyong kutob ay totoo. Maka-aasa ka ng suporta ng iba.

Aquarius  (Feb. 16-March 11) Iwasan ang posibleng pakikipag-away sa sino man. Kontrolin ang init ang ulo.

Pisces  (March 11-April 18) Mainam na hindi muna tumanggap ng mahihirap na mga gawain. Makabubuting na magpahinga muna.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Sikaping iwasan ang pagkain nang marami. Panatilihin ang magandang kalusugan.

ni Lady Dee