Thursday , February 29 2024

Richard ‘Mr. Pastillas’ Parajinog, naging stalker ni Anne

00 fact sheet reggeeFINALLY, nakilala na namin si Richard Parojinog o mas nakilala bilang si Mr. Pastillas na ka-loveteam noon ni Miss Pastillas (Angelica Yap) na ipinangtapat sa AlDub ng Eat Bulaga.

Hinanapan ng kapartner si Miss Pastillas ng It’s Showtime dahil na-depress siya na kinaliwa siya ng kanyang boyfriend at si Richard nga ang napili ng dalaga na tinawag na Mr. Pastillas.

Dating game raw ang segment nina Angelica at Richard na tumagal ng dalawang buwan at online raw iyon kaya napapanood sa buong Pilipinas.

“Pagkatapos po ng two months sabi sa amin (‘Showtime’ executives), hanapan kami ng ibang project, pero wala naman po at saka si Angelica (Pastillas Girl), napunta na po sa Viva (Agency).

“Inalok din po ako ng Viva, pero hindi po ako pumirma kasi masyadong matagal ang kontrata, five years.

“As of now po, nagwo-workshop po ako sa acting ako sa Star Magic kay direk Rahyan Carlos.”

Pagkatapos ng acting workshop ay isusunod naman daw ni Richard ang voice speech kasi nga may punto siya ng Bisaya.

Sabi ni Richard na nagdalawang-isip siyang pasukin ang showbiz, “noong una po, gusto ko, pero biglang nawalan ako ng kompiyansa sa sarili ko kasi parang ang hirap pumasok sa showbiz at saka noong time namin ni Pastillas, pure naman ‘yung intention ko na pumasok, kaso may mga bagay talaga na hindi naman na-push o hindi nag-work out, so ganoon.”

Sa tanong kung nanligaw siya kay Pastillas Girl, “hindi po,” mabilis na sabi ng binatang tubong Misamiz Occidental at doon din nagtapos ng kursong Hotel Restaurant and Management (HRM).

Dating sa probinsiya nagtatrabaho si Richard sa Mayor’s Office na it turned out na tito niya ang kasalukuyang Ama ng kanilang bayan.

Nabanggit din ni Richard na anak siya sa labas at may kinikimkim siyang sama ng loob sa tatay niya na ngayon ay board member.

Katwiran ng binata, “marami po kasing asawa (babae) ang papa ko kaya siyam kaming magkakapatid. Hindi po ako pinapansin ng papa ko rati, pero noong nakilala ako bilang Pastillas boy, siguro napapanood niya sa TV, pinahahanap na ako.

At nabanggit din ni Richard na kuwento ng pamilya nila ang pelikulang ginawa ni Robin Padilla na Sa Ngalan ng Ama.

“Buhay po ng lolo ko (tatay ng papa niya) at doon po sa Ozamis nag-shooting. Kasi malaking pamilya po talaga kami.”

Samantala, inamin ni Richard na sobrang crush na crush niya sina Liza Soberano at Anne Curtis Smith.

“Noong nasa probinsiya pa po ako, talagang lahat ng show ni Anne Curtis pinupuntahan ko, hanggang Cebu kasi gusto kong mapanood lahat, puwedeng stalker nga ako.

“Tapos noong nasa ‘Showtime’ na ako, nakatabi ko siya, nag-goosebumps ako, kasi pinapanood ko lang siya, tapos bilang nakikita ko na at katabi ko na sa ‘Showtime’,” natutuwang kuwento ng binata.

Gandang-ganda naman si Richard kay Liza sa mukha ng dalaga, pero ayon sa kanya ay hanggang crush lang dahil nga bata pa, “na-starstruck po ako at sobrang nanginginig ako noong nakita ko ng personal kasi nagpa-picture ako.”

Hindi naman itinanggi ng binata na nabibighani siya kina Ellen Adarna at Jessy Mendiola dahil sa mga post nilang naka-two piece sa social media, idagdag pa si Coleen Garcia.

“Siyempre po, sino ba naman ang hindi magkakagusto kina Ellen at Jessy, sobrang sexy, hindi naman ako magde-deny,” tumatawang sabi ni Richard.

At ang ideal girlfriend daw ni Richard ay simple at pormal, okay lang hindi masyadong maganda basta maganda ang ugali.

Samantala, desidido na si Richard na mag-concentrate sa showbiz at sana raw ay mabigyan siya ng chance at ang pinakaraket daw ngayon ng binata ay kapag naiimbitahan siya sa mga probinsiya para kumanta dahil ito raw ang forte niya, ang pagkanta.

“Inalok po akong mag-Hashtags eh, hindi naman ako marunong sumayaw at saka ayaw ko po, feeling ko hindi ko kayang sumayaw, kaya kanta na lang talaga,” pagtatapat ng binata.

Nakikitira ngayon si Richard kasama ang ina sa tito niya na kapatid ng tatay niya at kasalukuyang Mayor ng probinsiya nila.

“Si tito po ang nagbibigay ng lahat ng allowances ko at kapag may pictorial, nagbibigay po siya ng pambili ng damit ko, sobrang supportive po talaga,” say ng upcoming actor.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Maricar dela Fuente

Maricar dela Fuente happy sa takbo ng career, wish maging active ulit sa showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA si Maricar dela Fuente sa mga dumarating sa kanyang …

Jo Berry Lilet Matias Attorney At Law

Jo Berry pangarap ng amang maging abogado natupad

RATED Rni Rommel Gonzales LITERAL na napaluha kami habang nagbabalik-tanaw si Jo Berry sa napakasaklap na karanasan …

Dominic Roque Bea Alonzo

Hiwalayang Bea at Dominic pinagma-maritesan ng mga socialite

COOL JOE!ni Joe Barrameda HANGGANG ngayon ay palaisipan pa rin sa mga netizen ang biglang …

Angelica Jones Angelo

Angelica Jones sumangguni na sa abogado, ama ng anak idedemanda

NANGINGILID ang luhang ibinahagi ni Angelica Jones na tuloy ang laban sa tatay ng kanyang anak. Sa …

Mutya Orquia Beaver Magtalas Rico Yan Claudine Barretto

Beaver at Mutya tinaguriang Rico Yan at Claudine ng kanilang henerasyon

ni Allan Sancon UNTI-UNTI na talagang gumagawa ng sariling pangalan sa showboz industry ang 18 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *