Jen at Dennis, hiwalay na naman

HIWALAY na naman pala sina Jennylyn Mercado and Dennis Trillo.

Natsimis kasi na may matinding pinag-awayan ang dalawa kaya binura na nila ang photos nila sa kani-kanilang Instagram account. Yes, wala na ang mga sweet moment photos nina Jen at Dennis, wala na tuloy makita ang fans nila.

This time, parang mas matindi sa pinag-awayan nila rati ang kanilang hiwalayan. Parang ayaw pa nilang magsalita, parang wala pang gustong magkompirma na hiwalay na sila.

Anyway, malalaman naman β€˜yan in the future. Alam n’yo naman si Jen, madudulas din β€˜yan at sasabihin kung ano ang pinag-awayan nila.

Ito naman kasing si Jen binalikan pa si Dennis, ayan tuloy ang napala mo.

( Alex Brosas )