Badjao Girl at Carrot Man, bagay na loveteam

SINASABI na kung may tao kang gusto mong siraan, gamitin mo ang social media. Kapag nagiging viral ang larawan o video na ipi-nost, maaaring life changing ito ng iyong subject.

Kagaya ngayon, sino ba ang mag-aakala na ang isang 13 years-old na Badjao na namamalimos karga-karga ang nakababatang kapatid sa isang piyesta ay magiging instant celebrity? Siya si Badjao Girl o Rita Gaviola ng Lucena City.

Naging viral sa social media ang kuha sa kanya ng isang Pinoy tourist, marami ang nagka-interes sa kanyang maamong mukha at ngayon ay kinuha na si Rita ng isang artist management company, ang Power Casting Management ni Jerome Navarro at ilang linggo o buwan pa mula ngayon ay baka masilayan na siya sa mga TV show, commercial, at baka maging sa pelikula.

Bago kinuha ng Power Casting Management si Rita ay na-feature muna siya sa Rated K ni Korina Sanchez. Tinulungan din siya ni Korina, binigyan ng trabaho ang kanyang mga magulang sa lokal ng Lucena at binigyan ng scholarship ng Rated K na dapat ay huminto na siya sa panlilimos.

Sayang at nahuling mag-viral si Rita at huli siyang na-meet ni Korina. Kung na aga-aga sana, baka nakatulong si Rita sa kandidatura ni Mar Roxas. β€˜Di ba kasi ang mga Pinoy masyadong emosyonal.

Anyway, hindi na babalikan ni Rita angΒ  panlilimos dahilΒ  artista naΒ  nga siya.

Sa test photoshoot pa lang kay Rita, artistang-artista na ang dating.

Puwede siyang i-partner kay Carrot Man o kay Jeyrick Sigmaton kung sa GMA 7 siya mapunta pero kung sa ABS-CBN, aba puwede siyang i-love triangle kina Ylona Garcia at Bailey May.

MAKATAS – Timmy Basil