Melai, inayos na ang problema nila ni Jason
INAMIN nina Melai Cantiveros at Jason Francisco na mayroon silang pinagdaanan bilang mag-asawa pero inayos nila. Kakulangan sa oras ang dahilan. Si Melai ay abala sa kanyang serye na We Will Survive with Pokwang at mayroon pa siyang morning show. Sa sobrang work nila, halos sa pagtulog na lang sila nagkikita.
Bahagi ng post nila sa kanilang Instagram account:
βAng totoo po ay may pinagdaraanan po talaga ang Melason, pero lumaki lamang ito dahil sa naikuwento namin sa mga ilang tao at Melason fan. Nagkataon naman po na nakuha o na-hack po talaga ang Instagram Account ng Melason.
βAlam namin (Melason) na pagsubok lamang ito. Dahil din siguro βdi na namin nagagawa ang aming bonding palagi dahil sa sobrang trabaho po namin, na halos sa pagtulog na lang kami nagkikita. Ito ay pagsubok sa mag-asawa pero βdi po namin hahayaang maghiwalay dahil lang sa maliit na tampuhan. Mahal na mahal po namin ang isaβt isa at marami pa kaming pangarap sa aming pamilya .Huwag po kayo mag-alala, ang Melason ay nagmamahalan at βdi po kami papaapekto sa showbiz at social media.β
Well, sana nga ma-survive nila palagi ang anumang tampuhan na nangyayari sa kanila.
TALBOG – Roldan Castro
