Wednesday , June 24 2026

Cinema One Originals teen actress Teri Malvar isa sa mga tumanggap ng 2016 Screen International Rising Star Asia Award

Pinag-usapan ang Cinema One Originals teen actress Teri Malvar noong taon 2013 nang matalo niya ang Superstar na si Nora Aunor sa Best Actress category sa 2013 Cine Filipino Film Festival.

Makalipas ang tatlong taon, ang batang aktres ay isa nang recipient ng 2016 Screen International Rising Star Asia award sa New York Asian Film Festival (NYAFF).

Opisyal na ring inianunsiyo ng New York Asian Film Festival (NYAFF) ang 15 pelikulang ipapalabas nila mula June 22 hanggang July 9. Mula sa 15 na pelikulang ito, tatlo ay proudly Pinoy made: ang religious crime drama ni Erik Matti na “Honor Thy Father,” ang noir youth drama ni Ralston Jover na “Hamog,” (Haze), at ang sensual surfing film ni Mario Cornejo na “Apocalypse Child.”

Maaalala na nanalo rin si Malvar ng Best Actress sa 2015 Cinema One Originals awards night.  Ang “Hamog” na sa direksyon ni Ralston Jover ay nakaani ng apat na awards: Best Editing, Best Supporting Actor, Best Actress, at ang Jury Award.

Kinilala si Malvar sa pagganap ng “daring roles na mas pinapalawak ang saklaw ng contemporary Philippine cinema.” Siya ay tampok sa mga pelikula nina Sigrid Andrea Bernardo na “Ang Huling Cha-Cha Ni Anita,” sa pelikula ni Ralston Jover na “Hamog,” at sa “Sakaling Di Makarating” ni Ice Idanan.

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …