Saturday , July 27 2024

Ma’Rosa, una raw inialok kay Ate Vi

HOW true na bago raw napunta kay Jaclyn Jose ang role sa Ma’ Rosa ay una raw munang inialok kay Vilma Santos kaya lang masyadong busy si Ate Vi dahil sa papalapit na eleksiyon kaya tinanggihan iyon?

Samantala, puring-puri ang panalo ngayon ni Jaclyn bilang Best Actress sa Cannes para sa kanyang pagganap bilang si Ma Rosa, isang ina na may maliit na tindahan na gustong magkaroon ng extra income.

Bidang-bida si Jaclyn sa Cannes lalo na sa  kanyang acceptance speech pero alam n’yo bang siya rin ang kauna-unahang Southeast Asian actress na naging Best Actress sa Cannes?

Aba, masusulat talaga si Jaclyn sa kasaysayan ng pandaigdigang Sining at Pelikula.

During the red carpet, hindi gaanong napansin si Jaclyn dahil napunta kay Ma. Isabel Lopez ang atensiyon ng crowd dahil sa pagrama at suot niyang green gown.

Pero sa awards night, tinalbugan naman ni Jaclyn si Ma. Isabel.

Pero I’m sure, happy si Ma. Isabel sa panalo ni Jaclyn.

At dahil dito, ang sigaw ng netizens, grand parade para kay Jaclyn! ‘Yung ginagawa natin kapag nananalo si Manny Pacquiao sa laban niya ay nararapat ding gawin sa aktres.

Pero ewan ko kung sino ang mag-initiate ng grand parade for Jaclyn.

Anyway, kahit simpleng parada lang for Jaclyn, puwede naman kahit ilagay lang siya sa isang truck basta may parada.

MAKATAS – Timmy Basil

About Timmy Basil

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *