This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
LAKING tuwa raw ng mga opisyal ng Buklod ng mga Manggagawa ng Bureau of Immigration (BI) matapos agarang lumabas ang isang decision hinggil sa isinagawa nilang query and petition sa questionable hiring and promotion kay BI Intelligence Chief, ROMMEL DE LEON at ilan pang mga bitbit ‘este’ bagong empleyado na nakakuha ng matataas na posisyon sa nasabing opisina.
Agad daw inaksiyonan ng Civil Service Commission (CSC) ang kanilang hinaing matapos i-DENY ang biglaang paglalabas ng permanent appointments ni De Leon at mga kasama nito.
Aba’y dapat lang!
Nakadedesmaya nga naman at very demoralizing kung sila ay mabibigyan agad ng mga sensitibong posisyon nang hindi man lang dumaraan sa tamang proseso ng personnel selection board.
And besides, kulang ang qualifications gaya ng civil service eligibility pati na ang tamang trainings and seminars para sa government officials.
Good job para kina Buklod prexy Atty. Sadiasa at sa iba pang Buklod officers.
Sa pagkakataong ito ay ginawa nila ang nararapat para sa kapakanan ng buong kagawaran.
At least hindi na masasabi na ang concentration ng Buklod ay hindi puro lang sa abuloy sa mga namatayan nilang miyembro.
Hihintayin na lang natin kung ang mga appointed ng palasyo sa BI ay manipis ang mukha na magsipag-resign na sa kanilang puwesto sa lumabas na desisyon ng CSC!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com