This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
Isang kaibigang aktres ng inyong lingkod ang nag-share ng kanyang masamang karanasan sa isang ‘attorney’ na gustong italaga sa cabinet position ni President-elect, Mayor Digong.
Tawagin na lang natin siyang Atty. Manyak alyas Atty. ‘Sampal Pisngi’ (SP).
Sampal Pisngi dahil ‘yan palang si Atty. Manyak ay nakatikim sa kanya ng lumalagapak na sampal sa pisngi.
Hindi lang natin nakompirma kung mag-asawang sampal ba ang ipinatikim ng matapang na aktres kay Atty. Manyak.
Mahilig kasing mangutang si Atty. Manyak. Sinamantala niya kasi ‘yung pagtitiwala ng aktres sa kanya.
Dahil mabait ang kaibigan nating aktres at hindi naman niya sinusukat ang isang tao sa pamamagitan ng pera, kapag nagkataon na sobra ang budget, pinauunlakan niyang mangutang si Atty. Manyak.
Minsan kasi, nakahihingi naman siya ng mga payong legal kay Atty. Manyak.
In short, maituturing na rin talaga ng aktres na kaibigan si Atty. Manyak.
Pero, minsan, nang singilin ng aktres si Atty. Manyak, aba, imbes magbayad, umarangkada na parang gustong mag-take advantage.
Mantakin ninyo, may utang na, mangmamanyak pa?!
Nalimutan yata ni Atty. Manyak na ‘black belter’ din si aktres, hayun, buti na lang sampal lang (mag-asawang sampal nga ba?) at hindi matinding karate.
Kaya Mayor Digong, mayroon pang panahon para bawiin ang appointment kay Atty. Manyak.
Baka ‘yan pa ang maging batik sa iyong Gabinete. Puwede bang pag-aralan ninyong muli ang appointment sa kanya?!
Malakas na po ang protesta ngayon sa Malacañang, “NO TO ATTY. MAN-YAK!”
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com