Wednesday , February 28 2024

Imelda, nag-file ng election protest

00 SHOWBIZ ms mNAGPATAWAG kahapon ng press conference si Imelda Papin para ihayag na nag-file siya ng election protest laban sa kanyang katunggaling si Arnulfo Fuentabella bilang representative ng 4th district ng Camarines Sur.

Sa petisyon ni Papin, hinihiling niya sa House of Representatives Electoral Tribunal na mapawalang bisa ang proklamasyon ni Fuentabella bilang Camarines Sur 4th District representative at utusan ang Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng manual count  sa nangyaring eleksiyon.

Sinabi pa ni Papin na mayroon na siyang lamang na 1,300 votes laban kay Fuentabella bago pa ang May 10 o ang araw bago matapos ang eleksiyon.

Subalit noong May 11, nagkaroon ng problema ang consolidation at canvassing system (CCS). At nang ipagpatuloy ang pagbibilang ng boto, nadiskubre ng election officers na ang mga SD cards ng ilang vote-counting machines ay blangko.

Kaya naman noong umaga ng May 12, nalamangan na ni Fuentabella si Papin ng 740 votes kaya ito ang naiproklamang representative-elect kinagabihan.

Iginiit pa ni Papin na itinuloy pa rin ng Comelec ang pagpoproklama kahit may 24,611 votes ang umano’y hindi pa nabibilang.

“Buong-buo ang aking loob na ipagpatuloy ang paghahain ng kaso sa House of Representatives Electoral Tribunal. Itinuturing ko pong isang krusada ang gawaing ito at sa tulong at gabay ng Poong Maykapal at sa panalangin at suporta ng lahat, malalampasan natin ang mga pagsubok na magbibigay daan tungo sa pagbabago at progreso,” giit pa ni Papin.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sylvia Sanchez Lorna Tolentino

Sylvia hataw ang tandem kay LT, Nathan Studios mas magiging aktibo ngayong taon

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGIGING abalang-abala ngayong taon ang premyadong aktres na si Sylvia …

Blind Item, Man Woman Fighting

Actress-host wa na epek ang pamba-blackmail na magpapakamatay kay poging BF

I-FLEXni Jun Nardo ON and off ang relasyon ng showbiz couple na ang babae ay …

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

Batikang showbiz gay nalansi ni poging kontesero na make-up artist din pala

ni Ed de Leon MINSAN talaga ano man ang talino ng matsing, nau-unggoy pa rin. …

Vilma Santos

Ate Vi sa fans — Hindi ako magsasawang bigyan ng priority ang kanilang kasiyahan

HATAWANni Ed de Leon ANO nga ba ang halaga ng isang acting award? Bigyan ka …

Julia Barretto Dennis Padilla When Magic Hurts

Dennis naluha sa sorpresang pagbati  ni Julia

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio AMINADO si Dennis Padilla na ‘di niya inaasahan ang ginawang pagbati sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *