Friday , December 2 2022

Kauna-unahang penis transplant sa U.S.

NAGPAHAYAG ng pag-asang manumbalik sa normal na pamumuhay ang kauna-unahang lalaking sumailalim sa matagumpay na penis transplant sa Estados Unidos.

Sumailalim sa operasyon ang 64-anyos na bank employee na si Thomas Manning para ikabit sa kanya ang penis ng yumaong donor sa Massachusetts General Hospital sa Boston.

Pinalitan ng donor organ ang isang pulgadang umbok na naiwang labi makaraang alisin ng mga doktor ang kanyang penis para mapigilan ang pambihirang cancerous tumour na lumalaganap sa bahaging ito ng katawan ni Manning.

“I want to go back to being who I was,” aniya sa panayam ng pahayagang New York Times.

Nagdesisyon siyang magpahayag sa publiko ng kanyang saloobin upang mabigyan ng pag-asa ang ibang kalalakihan na mayroong pinsala sa ari o genital cancer.

Inamin din ni Manning na hindi pa nga lang niya makayanang haraping tingnan ang kanyang donor organ, ngunit umaasa ang kanyang mga doktor na makaiihi siya nang normal sa loob ng ilang linggo at magbabalik din ang kanyang sexual function.

Bago ang operasyon, sinabi ni Manning na imposible siyang makipagrelasyon sa sinumang babae dahil mahirap sabihin sa iyong partner na nagkaroon ka ng ‘penis amputation.’

Gumugol ang surgical team ni Manning ng tatlong taon para sa paghahanda ng operasyon. Pinag-aralan nila ang maraming bangkay para maunawaan ang intricate anatomy ng penis at nagsagawa din ng  iba’t ibang mga trial-run surgery sa ilang dosenang mga dead donor.

Kinalap ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Loiegie Dano Tejada Leslie Intendencia Ms L's Beauty & Wellness Corp

Semi-permanent make-up ng Ms L’s Beauty panalo 

NAKABIBILIB ang magkaibigang Loiegie Dano Tejada at Leslie Intendencia dahil isa sa nagtulak sa kanila para magnegosyo at itayo …

SM, BDO treat families of OFWs through Pamaskong Handog 2022 Feat

SM, BDO treat families of OFWs through Pamaskong Handog 2022

SM Supermalls and BDO are once again bringing a one-of-a-kind, fun Christmas celebration to overseas …

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Manipis na buhok pinakapal ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Puregold Nasa Iyo ang Panalo

Nasa Iyo Ang Panalo digital ad series ng Puregold panalo sa netizens

MINAMARKAHAN ng taong ito ang ika-25 taon ng Puregold bilang isa sa nangunguna sa Philippine retail landscape. …

Loiegie Dano Tejada Ms Ls Beauty

Ms L’s priority ang good health ng mga Pinoy

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang katatapos na grand opening ng Ms L’s Beauty and Wellness Corporation …

Leave a Reply