Ria, sunod-sunod ang proyektong gagawin sa ABS-CBN

SIMULA nang pumasok sa pag-aartista ang beautiful daughter ng award winning actress Sylvia Sanchez na si Ria Atayde, nagkasunod-sunod na ang proyektong ginagawa nito.

At ngayon nga at may mga proyekto na itong gagawin sa Kapamilya Networks, kaya naman daw masayang-masaya si Ria.

Ayaw pa nga raw nitong idetalye ang proyektong gagawin niya hangang hindi pa gumigiling ang kamera dahil baka maudlot. Kapag nakapag-taping na raw siya ay at saka nito ikukuwento.

MATABIL – John Fontanilla