Wednesday , December 7 2022

Marlo Mortel, humahataw ang career bilang Boyfie ng Bayan!

00 Alam mo na NoniePATULOY ang pagdating ng magandang kapalaran para kay Marlo Mortel. Ngayon, bukod sa pagiging regular niya sa Umagang Kay Ganda, kasali rin si Marlo sa bagong show sa Dos titled We Love OPM. Kasama niya rito bilang teammates sina Kaye Cal at Marion. Si Nyoy Volante naman ang kanilang mentor.

Tinaguriang Boyfie ng Bayan, patuloy sa paghataw ang kanyang showbiz career. Bukod sa dalawang regular TV shows, nanalo rin si Marlo recently bilang Best New Movie Actor sa PMPC Star Awards for Movies para sa pelikulang Haunted Mansion. Isa rin si Marlo sa naging interpreter kasama ang kanyang former loveteam na si Janella Salvador sa Himig Handog Ppop 2016. Kinanta nila rito ang piyesang Mananatili.

Sa nagdaang 3rd year anniversary celebration ng fans club niyang Marlo’s World last May 14, inusisa namin si Marlo kung nami-miss ba niya si Janella?

“Siyempre naman po, kasi biruin mo ang tagal na naming magkasama. At saka, iba talaga yung friendship na namin talaga, sobrang tight na talaga namin. Kahit na noong sila na ni Elmo Magalona (ang magka-love team), talagang sinasabi niya na mas komportable pa rin talaga siya sa amin,” wika ni Marlo.

Dagdag pa niya, “Pero ako naman kasi, tinanggap ko na lang iyon, e. Okay na sa akin iyon, at least, biruin ninyo kung ako ang ka-love team niya ngayon, hindi ako magkakaroon ng chance na maging host sa Umagang Kay Ganda at hindi rin ako magkakaroon ng chance na ituloy talaga kung ano yung gusto ko, which is singing.

“Iyon talaga ang pinasok ko sa showbiz, kaya masayang-masaya ako ngayon.

“Na sana sa We Love OPM, maipakita ko iyong boses ko. Na roon ay makahiwalay na ako bilang ka-love team lang ni Janella, na magkaroon ako ng sarili kong pangalan bilang isang singer/actor/TV host.”

Kung papipiliin ka between singing and acting, saan mo gustong mag-focus?

“Well, ang isinisigaw talaga ng puso ko, of course, singing talaga! Pero nang napasok ako sa showbiz, napamahal na ako sa acting,” seryosong banggit niya.

“Honestly, siyempre kailangan ko iyon para umangat ako bilang isang showbiz personality. Na hindi lang sa kanta, kundi pati acting ay kaya ko rin and yes, pati hosting! Sobrang napamahal na rin sa akin iyang hosting. So, pagsabayin na lang po,” nakangiting dagdag pa niya.

Samantala, full support naman si Marlo sa kanyang fans, sinabi ng aktor kung paano niya binibigyan ng importansiya ang kanyang fans.

“Well, ako sa mga simpleng bagay… Unang-una, talagang totoo yung ipinapakita ko sa kanila and alam nila yun. Na hindi fans ang turing ko sa kanila, parang family and friends talaga, simula pa dati.

“Kapag ipinapakilala ko sila, friends ko talaga. Kasi totoo yung nabuong friendship namin and relationship namin, very strong kami. Kaya up to now, patuloy pa rin kami. So hindi naman ako nagbabago and talagang yung sarili ko, talagang ibinababa ko para lahat sila ma-inspire sa akin na pinapahalagahan talaga sila.”

Bahagi ng anniversary celebration ng Marlo’s World ang gift giving sa Graces Home for the Elderly sa Quezon City, sa araw ding iyon. Dito’y namigay sila ng mga gamot, diapers, shirts, shorts, foam beds, toiletries, food party package, at iba pa.

Ang Marlo’s World head admins ay sina Laarni Torres, Marjo Ibasco, Zandy Suriaga, at Eve Villanueva.

Sinabi ni Eve kung bakit nila naisipang mag-gift-giving. “Pinili po namin mag-conduct ng gift giving sa Graces Home for the Elderly dahil kailangan ng mga lola at lolo ng tulong, plus, si Marlo ay malapit din po sa mga lola at lola. Noong first visit niya sa mga lola at lolo, napa-iyak po siya, e.”

Sa naturang okasyon, ipinahayag din ni Marlo na okay din sa kanyang magkaroon ng bagong ka-love team.

“Oo naman, oo naman. Open naman tayong magkaroon ng bagong ka-love team, wala namang problema roon. Pero hindi naman ibig sabihin na kapag may bagong ka love-team ay kakalimutan ko na si Janella, hindi ba? Hindi naman ganoon, of course,” esplika pa niya.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Vhong Navarro

P1-M piyansa ni Vhong pinayagan ng korte

PINAHINTULUTANG makapaglagak ng piyansa ang aktor at TV host na si Vhong Navarro para sa …

Tuesday Vargas

Tuesday ‘nabastos’ ng dalawang baguhan

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST ang komedyanteng si Tuesday Vargas sa kanyang Instagram account tungkol sa naranasan niya …

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Rey Paulo Ortiz Daniel Padilla in the making

MASAYANG-MASAYA si Rey Paolo Ortiz sa pagkakatanghal sa kanya bilang 2022 Prince Tourism Ambassador Universe kamakailan na isinagawa ang …

Carla Abellana Tom Rodriguez Rey PJ Abellana

PJ at Carla ‘di pa nagkaka-usap  simula nang magkaproblema

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAPANOOD namin noong Miyerkoles ng gabi ang magkapatid na PJ Abellana at Jojo Abellana para …

Jane de Leon

Jane na-dengue at nagka-UTI

MA at PAni Rommel Placente HUMINGI ng paumanhin si Jane de Leon sa lahat ng kanyang mga …

Leave a Reply