Sunday , December 4 2022

JLC-Jen follow-up movie, ikinakasa na

MAY mga komento kaming narinig at nababasa na mukhang may sakit at hindi kagandahan si Jennylyn Mercado sa ilang eksena niya sa Just The 3 Of Us. Sinadya pala na gawin siyang hindi magandang-maganda base na rin sa script. Ito ang movie na wala siyang make-up at ginawang kulot-kulot ang buhok.

Naging effective naman ang role ni Jen sa movie dahil ilang beses niya kaming napatawa gaya ng ilang beses din kaming napaiyak ni John Lloyd sa mga eksena niya.

Wala na talagang makaaagaw kay Jennylyn sa title niyang Rom-Com Queen. Bukod sa kumikita lahat ang movie niya simula sa English Only Please with Derek Ramsay, Walang Forever with Jericho Rosales, tumabo rin sa takilya angJust The 3 Of Us.

Balitang masusundan ang John Lloyd-Jennylyn movie dahil aminado si Lloydie na nabitin siya. Posibleng mangyari ‘yan dahil super lakas sa takilya ang movie nila.

Kahit kami nabitin din sa kanila. Dapat, karapat-dapat at nararapat  na masundan talaga. Pero sana sa next movie may mga eksena na si Jen na magandang-maganda siya at inayusan na.

Iniintriga rin sina Jen at John Lloyd na baka ma-develop na sila sa next movie nila. Ang lakas kasi ng chemistry nila, eh! Ang tanong, masulot naman kaya ni JLC si Jen sa rumored boyfriend niyang si Dennis Trillo?

Naku, wala  naman sa image ni John Lloyd ang manulot, ‘no? Kung sabagay, hanggang ngayon hindi naman umaamin sina Dennis at Jen na nagkabalikan, ‘no?

Puwede!

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Jake Cuenca Baron Geisler

Jake Cuenca ‘di na umiinom, naging motivation si Baron

MATABILni John Fontanilla ISINAPUBLIKO ni Jake Cuenca na isa’t kalahating taon na siyang hindi umiinom ng alak. …

Michelle Aldana

Michelle Aldana balik-South Africa na

I-FLEXni Jun Nardo BUMALIK na sa South Africa ang beauty queen-turned actress na si Michelle Aldana at …

Andrea Torres Rabiya Mateo Max Collins

Andrea, Rabiya, at Max umaariba ang career kahit sawi ang mga lovelife 

I-FLEXni Jun Nardo PUSONG-SAWI man pagdating sa kanya-kanyang lovelife, umaaribang career naman ang isinukli sa …

Blind Item, Men

Pipitsuging gay talent manager inilalako alaga sa mayayamang bading

ni Ed de Leon ANG totoo, hindi naman sa nakikialam kami sa raket ng iba, …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Rayver at Julie Anne umamin na

MA at PAni Rommel Placente SO, talagang may relasyon na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, …

Leave a Reply