Thursday , December 8 2022

Paalala kay Mayor Digong: Mag-ingat sa mga bangaw

KAHAPON, pumutok sa iba’t ibang sektor ang pangalan ng kung sino-sinong tao na ang sabi ay itatalaga raw ni President-elect, Mayor Rodrigo Duterte sa mga vital agencies at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Kaya nga ang daming lumipad patungong Davao mula pa nitong Biyernes hanggang kahapon ng umaga.

Simpleng-simpleng lang ang rason, ‘yun bang parang bangaw na makadapo sa ulo o sa ilong at makabulong sa tenga ni Digong…

Para makasungkit ng puwesto.

Para nga raw, inauguration na kung makaporma ang sandamakmak na gustong umepal.

Bigla nga tayong napausal ng dasal…iadya po ninyo si Mayor Digong laban sa mga taong mahilig lang sa poder pero puro sulsol at sariling bulsa lang ang kayang asikasuhin.

Bukod pa ‘yan na kung hindi man galing sa Recto ‘e fly-by-night ang credentials.

Simpleng paalala lang po ‘yan Mayor Digong.

Kunsabagay, mukhang alam naman ninyo ang kasabihan — ang ilog na maingay, masyadong mababaw.

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply