A Dyok A Day: Hugot sa classroom

Teacher: Ok, class may surprise quiz tayo ngayon

S1: Surprise? Pati ba naman kayo ma’am isu-surprise ako, pareho lang kayo, na-surprise ako nang malaman kong may mahal na si-yang iba at pinagmukha akong tanga.

Teacher: Oh? May gusto pa bang sumunod sa kanya?

S2: Sumunod? Hindi na kailangan ma’am ipinagtabuyan niya na ako bakit ko pa siya susundan para magmukhang desperada? (walkout)

Teacher: Mga kabataan nga naman ngayon, wala na ba kayong alam kundi humugot?

S3: Alam? Ma’am ang alam ko lang mahal na mahal ko siya pero iniwan niya ako para lang sa ex niya, sa ex niya na walang alam kundi saktan siya. (walkout)

Teacher: Magsitigil kayo!

S4: Tumigil? Tagal ko nang ginawa ‘yan ma’am kaso hanggang ngayon ramdam ko pa rin ‘yung sakit, hindi na tumigil.

Teacher: GET OUT

S4: Ma’am naman, sorry…

Teacher: Sorry? Matatanggal ba ng sorry ang sakit na nararamdaman ko, matatanggal ba no’n ang sakit na dulot ng paglisan niya? Ha? (walkout)

CLASS: Wooooooooh Walang klase!