Tuesday , November 29 2022

Direk Quark at Cristalle, may little sister na nga ba mula kina Dra. Belo at Hayden?

00 fact sheet reggeeMAY paliwanag si Direk Quark Henares kung bakit pabor siya sa inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) na 8-12 working hours among TV networks gayong ang karamihang filmmakers/producers ay hindi pumabor.

Matatandaang isa ang My Candidate director sa naglabas ng saloobin  sa social media tungkol sa long working hours sa production na nagiging dahilan kaya nagkakasakit ang mga nagtatrabaho sa networks dahil sa puyat.

Katwiran ni direk Quark, “well, I’m glad that they’re (DOLE) making set towards kasi medyo weird ‘yung industry natin, kailangan talaga medyo long ‘yung working hours, pero, it will really kill you, ‘di ba? But maybe 14 or 15 hours is okay na.

“Kasi noong 80’s at ‘90’s ganoon naman, eh, so ngayon lang talaga, noong time of the serye, sa Korea ganoon din (working hours) naman, so why not in the Philippines.

“Feeling ko, ito ‘yung killer ha, the fact na hindi masyadong nagka-can ‘yung mga network, so parati silang naghahabol (hand-to-mouth/mouth-mouth taping), so okay lang sa akin na you work 14 hours.

“Pero kung magka-can na lang sila months before, maiiwasan ‘yun, eh. Kasi ‘yun nga 80s and 90s, time ng ‘Body and Sol’, ‘Abangan ang Susunod na Kabanata’, okay naman ‘yung working hours, eh. Ngayon kasi hindi hindi na, because of the ratings game. But I think, kaya naman, eh.”

Kaya isa ito sa dahilan kung bakit ayaw mag-teleserye ni direk Quark, “I worked in a teleserye before, ‘yung ‘Parekoy, after two weeks’, shit hindi ko na kaya, ha, ha, ha, ha.”

At pagdidirehe lang daw ang type na gawin ni Quark at ayaw din niyang mag-produce ng pelikula lalo na kung pera ng mama Vicki Belo niya ang gagamitin.

Samantala, kumuha ng business management course si direk Quark sa ibang bansa, pero ayaw naman niyang i-manage ang negosyo ng pamilya nilang Belo Medical Group.

“Mas mahal ko kasi ang pelikula, eh, hindi ko maiwan,” kaswal na sagot ng binatang direktor.

Eh, bakit siya kumuha ng kursong business management sa ibang bansa?

“Eh, ‘yun nga, eh, ‘di ba? Pinagbigyan ko lang sila (Dra. Belo), ha, ha, ha I went so far to business school, but even in business school idini-direhe ko ‘yung mga class project, pumupunta ako sa film schools, ha, ha,” tumawang sabi sa amin.

“I don’t want in my mom’s shadow kaya ayokong ipag-produce niya ako ng movie, she’s helping me out of the billboards, both my parents are been very helpful, but I don’t want to be that guy (umaasa),” paliwanag ni direk Quark.

Paano kung pilitin siya ng ina na i-manage ang Belo Medical Group of Companies?

“Oo nga, eh.  Well we will see, but I think ‘yung mga people working in Belo, mga CEO, magaling naman talaga sila. You know, we can rest well muna.

“Si Justin Pitt, ‘yung magiging asawa ni Cristalle, nakikitulong na rin sa Belo, nag-resign na siya actually as hotelier (ibang bansa), he’s working na rin with Belo, parang company culture ang work niya,” kuwento ni Quark.

Kumusta naman sina Dra.Vicki niya at Hayden Kho? Tinanggap na ba nilang magkapatid ang binatang doctor?

“Okay naman na, ang tagal na rin naman kasi guys, 10 years. Ano na lang, what makes her happy, okay na, ‘yan ang na-realize ko, life is short. So go lang kung happy naman. At saka na-prove naman na ni Hayds (tawag niya) ‘yung ano love niya,” sabi ni direk Quark.

So okay na as in OKAY na sila ni Hayden, “we’re okay, civil lang, okay na rin. Hindi kami gumigimik, mas more sila ni Cris (Cristalle), pero kaya naman din siguro.”

Diretso rin ang tanong namin tungkol sa nabalitang planong magkaroon ng anak nina Dra. Belo at Hayden kaya naghanap sila ng surrogate mother.

“I think ano, just wait, ha, ha, ha, ha. Honestly okay naman sa amin din. Parang sila na lang ang magsabi niyan. Tanggap ko naman na may littler sister, ha, ha, ha,” tumatawang sagot sa amin ni direk Quark.

So may little sister na nga talaga.

“Ha, ha, ha, ha hindi ko alam, I don’t know. Ayokong magsalita. In time, let’s say na there are discussions. Matagal na nilang pinag-uusapan na eight years ago pa na she (Belo) wants kid, nira-rush nga kami ni Cristalle na magkaroon ng apo, so unahan na lang, ha, ha, ha,” humahalakhak na sabi ng direktor.

Sa tanong kung may planong magpakasal sina Dra. Belo at Hayden? “well, mag –pre-nup, pre-nup muna. Ganoon na lang. Payag ako basta may pre-nup,” seryosong sabi ng direktor.

Sa kabilang banda, wala naman daw planong magpakasal pa ni Dra. Belo sa edad nitong 60 ayon mismo sa anak niyang si Quark.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Winner ng Prince Tourism Ambassador Universe 2022 na si Paolo gustong makatrabaho si Daniel

MA at PAni Rommel Placente GWAPO, mahusay rumampa, outstanding ang talent portion, at nasagot with …

Bianca Gonzalez

Bianca minsang naabuso sa isang relasyon 

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang social media post ay ibinahagi ni Bianca Gonzales na noong …

Rhian Ramos Sampaloc

Rhian namigay ng pangkabuhayan sa mga mami sa Sampaloc

I-FLEXni Jun Nardo PANGKABUHAYAN ang handog na training ni Rhian Ramos sa single mothers sa Sampaloc, Manilang …

Blind Item Corner

Male star naudlot makuha ang grandslam

ni Ed de Leon HINDI lang naman sa panahong ito may mga artistang nananalo ng …

Vhong Navarro Atty Alma Mallonga

Legal team ni Vhong naging kompiyansa

HATAWANni Ed de Leon NGAYON ay lumalabas na affected pala at nag-aalala ang hindi lang …

Leave a Reply