Saturday , January 28 2023

Heart sweet, Sen. Chiz hindi palaaway (Kaya pala compatible sa isa’t isa!)

KAY Heart Evangelista raw kinuha ang partidong kinabibilangan ng mister na si Sen. Chiz Escudero at Sen. Grace Poe na Partidong Galing at Puso.

Pero sa isang intimate chikahan na ipinatawag ng mag-asawa ay pinabulaanan ito ni vice presidentiable Chiz sabay sabing kaya ‘yun ang tawag sa party nila ay dahil ito ang gusto nilang isulong na gobyerno sakaling palarin sila ni presidential candidate Grace.

Pero aminado naman ang senador na in real life ay talagang sweet  ang misis niya at maganda. Tuwing umaga nga raw ay laging maganda ang gising niya dahil kay Heart at sobrang thankful siya sa all-out na suporta sa kanyang candidacy na since day one ay tinulungan na siyang mangampanya kahit saan.

Kahit may hika raw ay ginawa nitong mag-ikot sa iba’t ibang palengke sa Visayas at Mindanao. At ‘yung palengke tour na ginawa ni Heart ay gustong-gustong pala ng aktres dahil nakahahalubilo niya ang kaniyang fans at supporters ni Chiz at napangingiti sila. Kapag pinalad nga raw na manalo ang kanyang hubby ay babalikan niya para yakapin at pasalamatan.

“Diyos ko Lord, babalikan ko silang lahat. Magpapasalamat ako, ‘di ba kasi sobrang classic, e. Nakikita mo sila pero hindi nila ini-expect na pupunta ka roon. Hindi naman namin ina-announce na pupunta kami roon. Iyon ang motivation ko kaya kahit pagod o kaya iniisip ko ano kaya ang mangyayari pagkatapos nito. I made them smile. You’ll never know when time’s up sa buhay mo so ‘yun na ‘yon.”

Samantala sa huling pagkakataon ay muling pina- bulaanan ni Sen. Chiz ang isyu sa kanila ng mister ni Grace na si Niel Llamanzares na sinuntok siya umano dahil sa pagnakaw ng campaign fund na nagkakahalaga ng P300 milyon. Okey raw sila ni Niel kaya imposibleng mangyari ang bugbugan na pinalalabas ng kanilang kalaban sa politika.

As of presstime, sa huling kampanya nila ni Poe noong Sabado sa Plaza Miranda ay nag-picture taking sina Chiz at Niel. So malinaw na fabricated talaga ang naturang isyu. Pagdating sa magiging resulta sa halalan ay hindi pine-pressure ni Sen. Chiz ang kanyang sarili at pareho lang silang relaks ni Heart.

Basta manalo-matalo man ay naka-set na raw ‘yung honeymoon nila at paggawa ng baby ni Heart sa susunod na taon. Matutulog rin daw siya dahil puro puyat ang ginawa ng senador sa panahon ng kampanya nito.

Hay buhay politika gyud!

John Lloyd at Jennylyn certified King and Queen of Romance

JUST THE 3 OF US MAS HIT
KOMPARA SA JADINE MOVIE

042916 jennylyn lloydie jadine

Kung pagbabasehan ang kuwento ng mga kapwa entertainment media na nakapanood na ng “Just The 3 of Us,” na kanilang isinulat sa kani-kanilang mga kolum, mas hit ang John Lloyd Cruz-Jennylyn Mercado kaysa movie nina James Reid at Nadine Lustre na “This Time.”

Pero infairness marami rin namang tao sa JaDine movie kaya lang mas puno raw ang mga sinehan na pinagtatanghalan ng Star Cinema movie na puwedeng humamig ng 300 milyon pataas hanggang sa last day ng showing at hindi pa kasama rito ang gross income ng international screening nito.

Nasa Malaysia ngayon si Lloydie para personal na makasalumuha ang fans. Ang maganda pa, bukod sa kilig na hatid ng bagong obra ni Direk Cathy Garcia-Molina sa moviegoers ay bagong timpla rin ng rom-com ang mapapanood at siguradong matatawa ang lahat lalo sa mga eksena ni CJ (Jennylyn) na nagmimistulang luka-luka sa kahahabol sa pilotong nakabuntis sa kanya na si Uno na ginagampanan nga ni John Lloyd.

Kumbaga bagong recipe ang first team-up na ito nina Lloydie at Jennylyn kaya’t kakatakawan ito ng mga manonood.

VONGGANG CHIKA – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Ara Mina

Sa sunod-sunod na trabaho
ARA MINA AYAW MUNA MAGBUNTIS

I-FLEXni Jun Nardo TIME out muna si Ara Mina sa pagbubuntis this year. Eh nagdatingan kay Ara …

Spa Massage

Spa ginagamit para ibugaw mga starlet at indie stars

ni Ed de Leon AKTIBO na naman umano ang mga showbiz pimps. May isang showbiz pimp na …

Vice Ganda

Career ni Vice Ganda bumubulusok na?

HATAWANni Ed de Leon MAY tsismis kaming nasagap. Tsismis lang naman ito, hindi kami sigurado …

Charles Angeles

Charles ng Marikit Artist Management handa sa intriga sa showbiz

MA at PAni Rommel Placente NOONG Martes ng gabi, ipinakilala sa entertainment press ang bagong …

Klinton Start Nadine Lustre

Klinton Start wish maka-work si Nadine

MATABILni John Fontanilla MAGDIRIWANG ng kanyang ika-21 kaarawan ang tinaguriang Supremo ng dance Floor at …

Leave a Reply