Friday , December 9 2022

Padilla brothers, ‘di nagbi-brief; Daniel, tuturuan na rin ng tradisyong ito

CLOSE talaga ang magtiyuhing Robin at Daniel Padilla. Magbarkada ang turingan nila.

Aminado si DJ (tawag kay Daniel) na malakas si Robin sa kanya kaya ‘pag iniimbita ni Mariel Rodriguez ang Teen King, dumarating talaga ito.

Sey din ni Robin na kunsintidor siya kay DJ .Nang tanungin naman  sa Gandang Gabi Vice si Daniel kung saan siya kinukunsinti ni Binoe, pakli niya , “sa kabutihan.”

Rebelasyon naman ni Robin, “Siyempre bagong generation, mas maraming dala ‘to. Maraming sikreto ‘to.”

Pag-amin pa ni Robin, una siyang naging close sa ina ni Daniel na si Karla Estrada. Tinanong ni Vice kung siya ang nagreto kay Rommel  para ligawan si Karla?

“Hindi, inagaw sa akin ni Kuya Rommel,” pag-amin niya sabay tawa.

“Mabagal ako eh, eh mas mabilis si Utol,” sambit pa ni Robin.

Inamin din niya sa GGV na hindi siya mahilig magsuot ng briefs. Turo daw ito ng tatay nila. Kaya ‘pag 30-anyos na raw si Daniel ay tuturuan na raw ni Rommel ito. Mukhang pabor naman si DJ sa tradisyon ng pamilya.

Abangan na lang kung susunugin lahat ni Daniel ang kanyang briefs sa tamang panahon.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Paolo Contis Yen Santos Lolit Solis

Relasyon nina Paolo at Yen ibinuking ni Lolit 

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang ibinisto ni Manay Lolit Solis na ang aktres na si Yen Santos ang lucky …

Blind Item, Mystery Man, male star

Designer nagbabala baho ni male starlet ibubunyag

ni Ed de Leon MATAPOS na mapadalhan  ng “supposed to be pamasahe” niya papunta sa …

Vhong Navarro Arrest NBI

P1-M piyansa pinayagan
VHONG PANSAMANTALANG MAKALALAYA

HATAWANni Ed de Leon MABILIS na kumilos ang legal team ni Vhong Navarro para maihanda ang itinakdang …

Matet de Leon

Matet tinapos relasyon sa ina at pamilya

HATAWANni Ed de Leon NAUUNAWAAN namin at alam naming masamang-masama ang loob ni Matet sa kanyang sinasabing …

Vhong Navarro

P1-M piyansa ni Vhong pinayagan ng korte

PINAHINTULUTANG makapaglagak ng piyansa ang aktor at TV host na si Vhong Navarro para sa …

Leave a Reply