Friday , May 27 2022

Melai at Pokwang, posibleng magkasira

SINO kaya ang sinasabi ni Melai Cantiveros na magkakabalikan sa We Will Survive?

Buong ningning niyang sinasabi sa Facebook Live habang nag-aayos ng mukha para sa taping ng afternoon series na We Will Survive.

Tuluyan kasing  makatatakas si Maricel (Melai) mula sa pagpapahirap ng kanyang mapang-abusong employer at nalalapit nang makita ang anak niyang naiwan sa Pilipinas.

Matapos mapagtagumpayan ang pagtakas mula sa kanyang mga amo, isang Filipino ang tutulong kay Maricel upang makauwi at muling makasama ang kanyang pamilya.

Ngunit nagbabadyang magbago ang kanyang pagkasabik ngayong unti-unti nang lumalambot ang puso ni Wilma (Pokwang) para kay Pocholo (Carlo Aquino) at pinayagan na itong makilala at makasama ang anak nito kay Maricel na si Jude (John Steven De Guzman).

Ano kaya ang mararamdaman ni Maricel kapag nalaman niyang napapalapit na si Jude sa kanyang ama? Ito kaya ang maging mitsa ng pagkakasira ng pagkakaibigan nila ni Wilma?

Marami pang dapat abangan kaya tutukan ang teleseryeng nagpapakita na gaano man kapangit ang mundo, gaganda ang buhay basta’t magkasama tayo, ang We Will Survive, 5:00 p.m. sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Bea Alonzo spain house

Pagbili ng apartment ni Bea sa Spain sisiw lang sa aktres

REALITY BITESni Dominic Rea SISIW lang o barya lang para kay Bea Alonzo ang halaga ng binili …

Xian Gaza Barbie Imperial

‘Lampungan’ sa socmed nina Barbie at Xian saan mauuwi?

REALITY BITESni Dominic Rea MAY patutunguhan ‘yang ‘lampungan’ sa social media o exchange of words …

Sheryl Cruz rams david kuya germs

Sheryl loyal sa ACTMS dahil kay Kuya Germs

RATED Rni Rommel Gonzales SAMPUNG taon na si Sheryl Cruz sa pangangalaga ng Artist Circle Talent Management Services ni Rams …

Ryza Cenon

Ryza natutulala sa pagiging ina

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Ryza Cenon ang hirap ng pagiging first …

Rhea Anicoche Tan Marian Rivera Dantes Beautéderm Home

Marian sa friendship nila ni Rhea Tan: May kontrata kami for life! 

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga PINATATAG na ng panahon ang pagkakaibigan nina Marian Rivera Dantes at Beautederm CEO …

Leave a Reply