Wednesday , June 24 2026

Jeff, todo-ligaw din sa magulang ni Jasmine

NOONG Linggo ay guest ang magkapatid na Anne at Jasmine Curtis-Smith sa Gandang Gabi Vice. Tinanong ni Vice si Jasmine kung boyfriend na nito si Jeff Ortega na galing sa maimpluwensiyang Ortega political clan ng La Union at ngayon ay nagpapatakbo ng sariling negosyo sa naturang probinsiya.

Ang sagot ng dalaga ay ‘oo’.

Aprubado naman daw kay Anne ang bagong boyfriend ng nakababatang kapatid. Mabait daw kasi si Jeff. Bukod daw sa panunuyo ni Jeff noon kay Jasmine, niligawan din daw nito ang pamilya nila.

Sabi pa ni  Anne, “Parang nakikilala ko na siya before pa. Tapos mabait siya. Tapos nakikita ko kung paano siya um-effort kay Daddy, kay Mommy, kay Balong.,cute.”

Noong boyfriend pa ni Jasmine si Sam Concepcion ay hindi rito boto si Anne.  Paano kasi ay hindi naman ito gumagawa ng effort para mapalapit sa kanila. Unlike Jeff, kaya boto rito si Anne para kay Jasmine.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …