Monday , June 24 2024

That’s My Bae, kaya raw talunin ng Bae Alert

MAY karibal na ang That’s My Bae ng Eat Bulaga dahil may isa pang grupo na binuo at tinawag na Bae Alert.  Sila ay mga semi-finalist din ng That’s My Bae na pinagsama-sama composed by Jay L Dizon, Daniel Aquino, Sky Cornejo, JV Suzara, Ray Cataluna, at Josh Ward.

Bagamat tinitilian sila ‘pag nakikita sa mga show at may kakaibang karisma, hindi rin maiwasang ikompara sila sa That’s My Bae.

Ayon sa grupo, malaki ang laban nila dahil mas magaling silang sumayaw. Hindi rin sila padadaig sa kaguwapuhan.

“Kung pagharap-harapin kami roon malalaman ng mga tao kung ano ang pagkakaiba ng Bae Alert sa That’s  My Bae. Magkakaalaman talaga,” bulalas ng grupo.

Ready din daw silang maikipag-showdown sa That’s My Bae.

“Kung mabibigyan ng pagkakataon, sige po showdown na,” deklara ni Jay L na naging bida sa pelikula ni Joel Lamangan na I Love Dreamguyz.

Sa mga gustong kunin ang serbisyo ng Bae Alert tumawag lamang sa kanilang manager na si Erika Lopez sa 09153269060.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Diwata

Diwata walang kiyemeng kumain ng tsiken habang sumasagala 

MATABILni John Fontanilla HINDI na nga maitatago pa ang kasikatan ng social media viral pares …

Ogie Diaz Mama Loi Bea Alonzo

Ogie naghain ng counter-affidavit, Mama Loi perjury case vs Bea Alonzo

MA at PAni Rommel Placente KASAMA ang kanilang abogadong si Atty. Regie Tongol, humarap sina Ogie Diaz, …

Vilma Santos Carlo Aquino Charlie Dizon

Ate Vi bumawi sa mga inaanak na sina Carlo at Charlie

MA at PAni Rommel Placente ISA ang tinaguriang Star For All Seasons na si Vilma Santos sa …

Child Haus Ricky Reyes

TEAM Gift Giving & Feeding project sa Child Haus matagumpay Advocacy ni Ricky Reyes pagtulong  sa mga batang may cancer

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang pag-welcome ni Mader Ricky Reyes sa mga kasapi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *