Tuesday , December 6 2022

Ritz, gagawing aktres ng ABS-CBN; GMA, walang kongkretong offer

00 fact sheet reggeeNAGING maagap lang ang ABS-CBN sa offer nito kay Ritz Azul kompara saGMA 7 kaya sa Kapamilya Network pumirma ang dalaga.

Hindi itinanggi ni Ritz na naunang mag-offer ang GMA noon pang nasa TV5 siya pero wala naman daw maibigay na kongkretong plano para sa career niya samantalang ang ABS-CBN ay maganda ang inilatag at nagustuhan ito ng tatay n’ya.

“Nauna pong mag-offer ang GMA, pero mas naunang magbigay ng plans ang ABS (CBN) at nagustuhan naman po ni papa at co-manage po ng Star Magic.

“Hindi naman talaga matatanggihan ‘yung offer ng ABS kasi developmental siya, sabi ide-develop daw ako sa acting gagawin daw akong aktres, at saka aalagaan daw ako, and it’s a network contract (guaranteed contract),” kuwento ni Ritz nang maka-usap namin siya kahapon sa set ng Ang Probinsyano.

Nabanggit din ng dalaga na nag-offer naman daw ang TV5 sa kanya pagkatapos ng tatlong buwan period contract after the expiration at talagang gusto rin naman niyang manatili sa Kapatid Network dahil dito siya nagsimula, pero hindi raw naayos kaagad ang plano para sa kanya at maging ang kontrata ay hindi rin nagawa pa.

“Kaya nagpaalam naman po ako ng mabuti (TV management), sabi ko, gusto ko pong mag-grow as an artist,” pagtatapat ng aktres.

Nakangiting kuwento pa ni Ritz na noong pumasok siya sa showbiz ay hindi niya alam kung ano ang pagkakaiba ng ABS-CBN, GMA 7, at TV5.

“Hindi po kasi ako masyadong nanonood ng TV noong bata pa ako at noong pagpasok ko po ng TV5, doon ko lang nalaman na may ABS, GMA, at TV5.

“Sabi ko, ‘yung mga artista ng ABS, kagalang-galang, ang gaganda tapos ang gagaling umarte at ang daming endorsements. Sabi ko, ‘ano kaya kung mapasama ako, one day’.  So, noong Tuesday, contract signing, parang sabi ko, dream come true.

“Tapos after ng contract signing, nag-taping na po ako kaagad ng ‘Ang Probinsyano’, eh, sabi ko sa contract signing, gusto kong makatrabaho si Coco Martin, sinabi ko ‘yun, kasi po tinanong ako.

“Pero two days before ng contract signing sinabihan na po ako na may taping na ako kaagad ng ‘Ang Probinsyano’, kaya sabi ko, ‘what? After contract signing kasama ko na kaagad si Coco, kaya dream come true po talaga,” masayang kuwento ni Ritz.

“Siyempre po sa first taping day ko, hindi ko masyadong kilala ang lahat ng prod , naninibago pa ako, pero everyone is nice, talagang inalagaan din nila ako, tinulungan din nila ako at kahapon (Huwebes) ko palang naka-eksena si Coco Martin, grabe, parang nagkaroon ako ng coach sa eksena, sa taping.

“Tinuturuan niya ako ng, ‘ganito ang magandang gawin, mas maganda kung ito ang gawin mo sa eksenang ito (sabi ni Coco)’.  Pati character ko, ituturo niya niya sa akin.

“Sabi ko nga, wow, kung hindi ko pa magagawang mabuti itong sarili ko, ewan ko na lang. Sobrang thankful ako kasi lahat supportive lahat talaga from management hanggang sa pinakamababang prod sa ‘Ang Probinsyano’,” salaysay ni Ritz sa unang sabak niya sa taping.

Ang pagkakaiba ng pagtatrabaho ni Ritz sa TV5 at ABS-CBN, ”pareho naman silang supportive, nagtutulungan, pero masasabi ko rito sa ABS mas alam nila kung saan ako ipupunta, career path ko.

“Sa TV5 kasi, siguro dahil baguhan pa ako kaya iniisip pa siguro kung saan ako ilalagay, dito sa ABS, may direksiyon.”

Dagdag pa ni Ritz, ”tapos po sabi ko, dream ko action, tapos dito sa ‘Ang Probinsyano’, aaksiyon ako, sabi ko na, ‘ay talagang lahat ng gusto ko dream come true agad-agad.”

Ipinakilala raw ni Ritz ang sarili kina Ms Susan Roces at Coco sa unang araw ng taping nila.

“Dinner time po ‘yun, nasa ilalim siya (Coco) ng tent, lumapit ako, nagpakilala ako kasama si tita Susan, tapos sabi ni tita Susan, kilala raw niya ako, sabi ko sa sarili ko, ‘tita Susan, kilala ako?’ Kasi kasama ko si Ms Sheryl Cruz sa ‘Nagbabagang Bulaklak’, eh, pamangkin niya, naalala pa niya, sabi ko sa isip ko, kinikilig-kilig ako. Tapos si Coco Martin, sabi ko, ‘I’m Ritz’ tapos nagka-chat ng kaunti tapos sabay kumain,” masayang kuwento ng dalaga.

Dagdag pa, ”ang pogi ni Coco, crush ko siya, kasi lahat nandoon na sa kanya.”

At bilang Erica na pinuno ng mga batang nagso-solvent ay sinabi ni Ritz na abangan ang karakter niya dahil may twist.

As of now ay walang offer na gagawa ng pelikula si Ritz dahil pawang teleserye raw muna ang gagawin niya.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Carla Abellana Tom Rodriguez Rey PJ Abellana

PJ at Carla ‘di pa nagkaka-usap  simula nang magkaproblema

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAPANOOD namin noong Miyerkoles ng gabi ang magkapatid na PJ Abellana at Jojo Abellana para …

Jane de Leon

Jane na-dengue at nagka-UTI

MA at PAni Rommel Placente HUMINGI ng paumanhin si Jane de Leon sa lahat ng kanyang mga …

Maine Mendoza Arjo Atayde Lola Rose

Maine ipinakilala na ni Arjo kay Lola Rose

MA at PAni Rommel Placente LABIS ang saya at pasasalamat ni Sylvia Sanchez sa kanyang anak na …

Alice Dixson

Alice na-bash nang kinulayan ng honey blonde ang buhok  

MA at PAni Rommel Placente DAHIL sa pagpapakulay ni Alice Dixson ng honey blonde hair, bina-bash siya. …

Paolo Contis Yen Santos

Paolo happy at contented sa piling ni Yen

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Lolit  Solis ang larawan nila ng kanyang …

Leave a Reply