Thursday , June 13 2024

‘Utol’ ni Chucky for sale sa halagang $1

NAGHAHANAP ba kayo ng magiging bagong best friend forever (BFF)?

Nagdulot ng kilabot sa social media users ang nakahihilakbot na Craigslist ad na nagtatampok sa tinaguriang humahalakhak na manika.

May maitim at nakatatakot na mga mata, nakasuot ng ruffled black dress at may hawak na isang bulaklak sa kamay, ang manika ay mistulang mula sa horror movie.

Ayon sa paliwanag ng Oklahoma City-area seller: “Our daughter doesn’t want it anymore.

“Our dog won’t stop barking at it and we never find it where we left it. Doll has really cute laugh. No batteries,” ayon sa deskripsiyon ng ad.

Ang larawan ng ad ay ini-upload sa Imgur at Reddit. Dinagsa ito ng mga komento na nagsasabing ayaw nila itong bilhin.

Isang hindi na natinag na Imgur user ang nagsabing ang manika ay “barely abnormal” kung maghahanap ka ng katulad na items sa market online.

“Search EBay for ‘Haunted Dolls,’” anila. “There’s a bunch, with back stories, going for a lot more than a dollar.”

At totoo nga, maraming nakasaad sa eBay listing para sa “haunted dolls”, sa presyong mula sa ilang dolyar hanggang $5,650.

At katulad ng ulat ng Huffington Post nitong nakaraang taon, ang ilan sa tinatawag na “haunted dolls” ay collectors items.

Hindi pa nakukuha ang komento ng nasabing Oklahoma seller.

(THE HUFFINGTON POST)

About hataw tabloid

Check Also

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

The Department of Science and Technology Regional Office X recently made strides in its mission …

Eye Mo Moist ken chan

Eye Mo Moist: A must-have item during Silent Outbreak Dry Eye Disease (DED)

Dry eyes disease (DED) is currently emerging as a rapidly spreading but unnoticed epidemic. It …

Puregold CinePanalo

Sa pagbabalik ng Puregold CinePanalo:
7 FULL-LENGTH TATANGGAP NG P3-M GRANT

ITINODO pa ng supermarket chain na Puregold ang adbokasiyang kampanya nito–ang Puregold CinePanalo Film Festival, sa pamamagitan ng paghahandog …

Komisyon sa Wikang Filipino nakiisa sa Mental Health Awareness Month

Komisyon sa Wikang Filipino, Nakiisa sa Mental Health Awareness Month

Bilang pakikiisa ng Komisyon sa Wikang Filipino sa Mental Health Awareness Month, isinagawa ang Mental …

Philippines-China award, a flagship of friendship

Philippines-China award, a flagship of friendship

SIX outstanding Filipinos were honored Friday night as the 2024 laureates of the Awards for …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *