Friday , June 21 2024

April Fool’s Day ipinagbawal na sa China

TULAD ng ilang mga kalayaan na ating binabale-wala, ang karapatang magbiro o makapanloko sa ating mga kaibigan sa araw ng April Fool’s Day, o Abril 1, ay pinagbabawal na ngayon sa bansang China, batay sa kautusan ng pamahalaan dito.

Tama nga ang inyong nabasa—ilegal na ngayon ang nasabing araw sa bansang China.

Iniulat ng The Washington Post na nagsagawa ng opisyal na pahayag ang state news agency na Xinhua ng sumusunod sa social media:

“’Hindi sumasang-ayon ang April Fool’s Day sa tradisyong kultural, o socialist core values . . . Umaasa na walang naniniwala sa tsismis, gumawa ng mga tsismis o nagpapakalat ng mga tsismis.”

Lumilitaw na malaki ang pag-aalala ng Partido ukol sa paggamit ng mga mamamayan ng North American tradition ng April Fool’s para hindi seryosohin ang pamahalaan nang hindi mahaharap sa kaukulang  kaparusahan. Nililinaw nito na hindi papayagan ang alin mang kaganapang may kaugnayan sa April Fools.

Bahagi marahil ng problema rito ay nahihirapan din ang state-run news agency na Xinhua sa mga pagbibiro kapag naharap sila rito.

Noong 2012, namataan ng state newspaper ang isang artikulo ng satirical news site na The Onion na nagproklama kay Kim Jong-un ng North Korea bilang “sexiest man alive.”

Ulat ng Newsweek na nagpatuloy ilathala ng pahayagan ang isang buong pahinang larawan ni Jong-un, na tumutukoy sa joke article.Isang taon makalipas, inihayag din ng state-run news channel at nilathala ang joke story bilang katotohanan sa pag-ulat na ang Virgin Airlines ay maglulunsad ng kauna-unahang glass-bottomed plane.

Kinalap ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Krystall Herbal Oil

Kahit agrabyado sa imported rice
MAGSASAKA KALMADO SA KRYSTALL HERBAL OIL

Mahal naming Sis Fely Guy Ong,          Ako po si Gualberto Estopace, 62 anyos, isang …

Toni Gonzaga Alex Gonzaga Aqua Planet Resort

Toni ipinasara resort sa Pampanga

MATABILni John Fontanilla SOBRANG saya ng naging bonding ng Gonzaga sisters na sina Toni at Alex gayundin ng ibang miyembro …

Rhea Tan BB Pilipinas 2024 Beautederm

Beautéderm founder Rhea Tan pinagtibay partnership sa Bb. Pilipinas

PAGKATAAN ng matagumpay na partnership last year, masayang inanunsiyo ng Beautéderm founder na si Rhea Tan ang panibagong partnership …

SM Supermalls 100th Job Fair 1

SM Supermalls Celebrates Milestone with 100th Job Fair

June 14, 2024 – Manila, Philippines –SM Supermalls proudly hosted its 100th job fair, reinforcing …

Dr RMU Roma Ulama Claudine Barretto

Dr RMU ng Cebu at talent ng Entablado excited makatrabaho si Claudine

SOBRANG excited at masayang-masaya ang doktor na expert sa non-surgical beauty enhancements sa pagkakasama niya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *