NAIA Immigration Sex Scandal Part 2

AYON sa aming nakalap na impormasyon sa Airport Police Department (APD), hindi raw pala nila kasamahan ang nakahuli sa ibinalita nating immigration sex scandal sa VIP parking area ng Terminal 3 na NAIA kamakailan.

Isang tauhan daw ng naka-detail na PNP-ASG ang nakaakto sa eskandalosong insidente na involved ang isang lalaking Immigration Officer (IO) na ga-kamatis daw ang ilong na naki-kipag-chung-tsakan sa kapwa rin niya IO!

Ang bobogli ‘este’ bobobo naman ninyo!

Ang siste, patuloy daw ang APD sa paghihintay ng incident report galing sa nakahuli pero lumipas daw ang magdamag at maging kinabukasan ay wala pa rin isinumiteng report sa nangyaring public scandal.

Ayon sa mga kabulabog nating urot diyan sa Immigration airport, isa raw palang dating nurse ang na-involved na IO kaya malamang ang na-ging palusot nito ay nagkaroon ng emergency kaya malamang nag-dissect ng kanyang pas-yente?!

Wattafak!?

Duda ng ilang airport police, malaki raw ang isinuka ng bagong IO sa nakahuli sa kanya kaya pinakawalan at hindi na pinalaki pa nang husto ang insidente.

Ay sus, hindi ka naman pala naghihikahos, so bakit hindi ka na lang kumuha ng isang kuwarto riyan sa Pasay at doon magparaos!?

O talagang trip lang n’yo gawin ang kahalayan niyo sa isang publikong lugar?

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com