This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
MUKHANG magkaiba ang panlasa ng mag-amang sina presidential candidate Davao city mayor Rodrigo “Digong” Duterte at Davao city vice mayor Paulo “Pulong” Duterte.
Sa gitna ng paghamon ni Digong sa kanyang mga botante na huwag na siyang iboto kung hindi rin naman nila iboboto ang kanyang vice president na si Senator Allan Cayetano ‘e biglang itinaas ni Pulong ang kamay ng isa pang vice presidential bet na si Francis Escudero.
Ibig bang sabihin nito na hindi iboboto at susuportahan ni Pulong ang bise-presidente ng kanyang tatay na si Digong?!
Astigin din pala ang batang Duterte!
Kayang suwagin ang pakiusap ni father.
Or hindi talaga masikmura ni Pulong si Allan?!
Si Pulong lang ang tanging nakaaalam n’yan.
Ang sabi, matagal na raw silang magkaibigan ni Chiz.
Ang tanong ngayon, hindi kaya ito makaapekto sa kandidatura ni erpat Digong?!
Paano kung mas malakas pala ang dating ni Pulong sa mga botante sa Davao?!
‘E di laglag ang boto ng bise ni Digong?!
Klaro ang pakiusap ‘di ba, “Huwag na ninyo akong iboto kung hindi lang rin ninyo iboboto si Allan.”
‘Yan ‘yung mga brinkmanship na mayroon si Duterte pero wala ‘yung ibang presidentiable…
Si Senator Miriam, meron din ganyan, ‘yun lang medyo kalaban niya ngayon ang kanyang kalusugan.
Anyway, abangan natin sa mga susunod na survey kung ano ang epekto ng endorsement ni Pulong kay Chiz sa kandidatura ng kanyang erpat na si Digong.
Puluho ka Pulong!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com