Wednesday , December 11 2024

Café France kontra Phoenix-FEU

KOKOMPLETUHIN ng Phoenix Accelerators ang Cinderella Finish sa pagkikita nila ng Cafe France sa Game Two ng best-of-three finals ng PBA D-League Aspirants Cup mamayang 12 ng tanghali sa Filoil Flying V Arena sa San Juan.

Napanalunan ng Phoenix ang Game One, 82-78 noong Huwebes at kung makakaulit ito mamaya ay tuluyan na nitong maiuuwi ang korona.

Ang Phoenix ay magiging ikalawang koponan na makakumpleto ng Cinderella Finish matapos na ito ay gawin ng Hapee Toothpaste noong nakaraang season.

Hindi na halos pinaporma ng Accelerators ang Bakers at nakalamang kaagad sa first quarter, 17-12. Napalaki nila ang agwat sa 12 puntos, 41-29 sa halftime break at bumulwak pa ito sa 65-50 matapos ang tatlong quarters.

Kaya naman kahit na nakagawa ng rally ang Bakers ay kinapos sila sa dakong huli.

Nagkaganito man ay kompiyamsa pa rin si Cafe France coach Edgar Macaraya na maitatabla nila ang serye at mapupuwersa ang rubber match Game Three sa Huwebes. Hangad ng Cafe France na maiuwi ang ikalawang sunod na titulo matapos na mamayagpag sa nakaraang Foundation Cup.

Upang makaulit ang Cafe France ay kailangan na  mamayagpag nang husto ang Conngolese center na si Rodrigue Ebondo.  Bukod dito, ang iba pang kamador ng Bakers ay sina Paul Zamar, Jess Villajermosa, Samboy de Leon, Bryan Cryz  at Aaron Jeruta.

Inaasahan naman ni Phoenix coach Erick Gonzales ang mga Far Eastern University Tamaraws na sina  Mike Tolomia, Roger Pogoy, Russell  at Richard Escoto, ReyMar Jose, Alfredo Tamsi at Southeast Asian Games veteran Mac Belo. Kabilang sa naidagdag ni Gonzales sa line-up ang UST point guard na si Ed Daquioag at sentrong si Yutien Andrada.

( SABRINA PASCUA )

About Sabrina Pascua

Check Also

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Quendy Fernandez Swim BIMP-EAGA

Fernandez, bagong sirena ng aquatics sa BIMP-EAGA

Puerto Princesa City – Humakot ng tatlong ginto si Quendy Fernandez para pangunahan ang arangkada …

Philip Adrian Sahagun Lora Micah Amoguis Swimming 2024 BIMP-EAGA Games

2024 BIMP-EAGA Games
Philippine team A humakot agad ng anim na ginto sa unang araw

PUERTO PRINCESA CITY – Humakot kaagad ng anim na gintong medalya and Team Philippines-A sa …

Richard Bachmann PSC BIMP-EAGA friendship games

Sports para sa pagkakaisa

SA KABILA ng maulang panahon, nagbigay ng makulay at masayang kapaligiran ang parada ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *