Ejay, basted na naman kay Ellen

LAGLAG si Ejay Falcon kay Ellen Adarna. Ang pagtatapos ng  Pasion De Amor ay kasabay din ng  pagka-waley ng pagkaka-link nila sa isa’t isa.

Umamin na si Ellen na may karelasyon siya ngayon na foreigner at one month na niyang idine-date. Hindi raw base sa ‘Pinas.

Pero open pa rin si Ellen kung makapartner niya ulit si Ejay sa susunod niyang serye. Nag-click naman daw ang tandem nila pero wala pa namang offer na magkasama sila.

TALBOG – Roldan Castro