This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
ISANG kaanak natin ang nakaranas sumakay sa railway mass transportation sa Japan.
Hindi ito sa bullet train. Ordinary train lang.
Pero iba talaga ang naging impresyon niya sa railway system ng Japan.
Malinis, maayos at sistematiko.
Walang delayed, nasa oras ang biyahe.
Ang mga mga escalator at elevator ay hindi ‘display’ dahil talagang umaandar at nagagamit ng mga pasahero.
Malayong-malayo sa railway system sa bansa na kulelat na kulelat kung ikokompara sa Japan.
Kunsabagay, Japan ‘yan, hindi India. Pero kulelat ba ang pagdating ng teknolohiya sa ating bansa para maging kulelat ang railway system natin?!
Hindi naman ‘di ba?
Bakit kaya hindi maisipan ni DOTC Secretary Jun Pabaya ‘este’ Abaya, na mamasyal sa Japan at aralin ang kanilang railway system na puwedeng ilapat dito sa ating bansa?!
Ang laki na nang nagagastos ng gobyernong Filipino sa railway system bakit hindi ayusin ng DoTC nang sa gayon ay mapakinabangan ng mamamayan?!
Ang masama, hindi na nakapagseserbisyo nang totoo, namemrehuwisyo pa!
Ay sus Abaya!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com