This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
Largado ang tupadahan ng isang kawatan ‘este’ kagawad sa Brgy 46 Pasay City.
Ang nasabing Brgy. Kagawad na nagpapatupada ay taga-kabilang barangay.
Kaya nagtataka ang mga residente ng Brgy. 46, bakit pinapayagan ng kanilang Brgy. Chairman na si Nestor Advincula at PCP Buendia commander Maj. Edith Dulay na mamayagpag ang nasabing tupadahan kaya pati mga kabataan ay nawiwiling magsugal.
Pasay PNP chief P/SSupt. Joel Doria, ‘timbrado’ na ho ba sa inyo ang nasabing tupadahan!?
Aba’y kung hindi ‘e ipatigil at hulihin ninyo agad ‘yan!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com