Monday , June 24 2024

Pusa nagnanakaw ng men’s underwear

MAY malaking problema ang pusang si Brigit. Hindi niya mapigilan ang sarili sa underwear ng kanilang mga lalaking kapitbahay.

Tuwing gabi, ang 6-anyos Tonkinese ay gumagala sa lungsod ng Hamilton sa New Zealand’s North Island.

At tuwing umaga, ang kanyang amo na si Sarah Nathan ay magigising na may matatagpuang brief at medyas na nakatambak sa kanyang bahay.

“It’s an absolute obsession,” pahayag ni Nathan sa New Zealand Herald. “A night does not go by without her bringing things home. I got up this morning and there were another four socks in the house.”

Mula nitong Enero, si Brigit ay nagnakaw ng 11 pares ng underpants at mahigit 50 medyas. Sa dati nilang bahay, pahayag ni Nathan, ang pusa ay umuuwi na may bitbit na kung ano anong bagay.

“She was much less discerning, now she’s decided menswear is the thing, and it’s a very specific kind of underpants that she likes.”

Ibinunyag ni Nathan sa Facebook na sinikap niyang kilalanin ang mga biktima ng kanyang kleptomaniac kitty sa pamamagitan ng paglalagay ng notes sa local letterboxes. Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay wala pang dumarating sa kanila para bawiin ang mga ninakaw ng pusa.

Ang Tonkinese cats, na Siamese/Burmese crossed, ay maaaring maging “quite obsessive,” pahayag ni Nathan sa Stuff.co.nz.

“It’s just the fact that she’s decided her obsession will be men’s underwear.”

Ang pamilya ay muling lilipat ng kanilang tirahan, at umaasa si Nathan na magkakaroon ng ibang bagay na mapagtutuunan ng pansin si Brigit.

“Hopefully there’s something there she can find to catch but if not we may have to stash some undies around the farm to keep her stimulated.” (THE HUFFINGTON POST)

About hataw tabloid

Check Also

SM Fire Volunteers 1

BFP, DILG, and SM Prime empower communities through 1st fire volunteers assembly

In a demonstration of its commitment to community safety, the Bureau of Fire Protection (BFP) …

E-Sim TNT

Pag-order ng E-Sim ng TNT mas pinadali at pinabilis

MAGANDANG balita sa mga TNT subscriber dahil mas pinadali nila ang paraan para maka-order ng e-SIM, ito’y …

Krystall Herbal Oil

Kahit agrabyado sa imported rice
MAGSASAKA KALMADO SA KRYSTALL HERBAL OIL

Mahal naming Sis Fely Guy Ong,          Ako po si Gualberto Estopace, 62 anyos, isang …

Toni Gonzaga Alex Gonzaga Aqua Planet Resort

Toni ipinasara resort sa Pampanga

MATABILni John Fontanilla SOBRANG saya ng naging bonding ng Gonzaga sisters na sina Toni at Alex gayundin ng ibang miyembro …

Rhea Tan BB Pilipinas 2024 Beautederm

Beautéderm founder Rhea Tan pinagtibay partnership sa Bb. Pilipinas

PAGKATAAN ng matagumpay na partnership last year, masayang inanunsiyo ng Beautéderm founder na si Rhea Tan ang panibagong partnership …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *