P35K kada ulo salyahan sa CIA

KABI-KABILA na rin daw ang palusutan ng overseas Filipino workers (OFWs) na kulang ang mga dokumento hindi lang sa NAIA kundi maging diyan sa CIA (CLARK INTERNATIONAL AIRPORT).

Kung sa NAIA ay 50K ang lagayan kada ulo, P35 mil kada ulo naman ang singilan at kalakaran ngayon diyan.

At ayon sa mga nakaaalam, walong libo raw ang ibinibigay sa ‘itaas’ at ‘yung natirang P27 mil ay pinaghahatian ng Head Supervisor, TCEU at pati na ang nagtatak na Immigration Officer!?

Ratsadahan na talaga!?

Palibhasa, ilang buwan na lang at palitan na naman!?

Ang tanong, sino naman ang sinasabi na para sa ‘itaas’ na may parteng P8 libo kada pasahero?

Sa 2nd floor o sa 3rd floor ba ‘yan ng BI main office???

I’m sure alam na alam ninyo kung sino ‘yan, CIA Head Supervisor Joedery David?!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com