Wednesday , December 11 2024

Nadine at James, umaatikabong masahe ang nangyayari ‘pag magka-holding hands

MATINDI ang hatid na kilig nina James Reid at Nadine Lustre sa exclusive tell-all interview nina Robi Domingo at Gretchen Ho sa Achieve! From Reel to Real  na napanood noong Linggo pagkatapos ng  Banana Sundae sa ABS-CBN 2.

Umaatikabong ‘masahe’ sa kamay  habang magka-holding hands ang dalawa. Kitang-kita sa mga mata nila ang pagmamahalan sa mga oras na ito.

Nilinaw ni James na hindi scripted ang pagsasabi niya ng ”I Love You” sa kanilang concert sa Smart-Araneta Coliseum noong February 20.

“My best friend didn’t know, my handler didn’t know, my management didn’t know. ABS bosses didn’t know, even the director-director of the concert, Direk Paul , didn’t know. During the rehearsal, and we were backstage getting ready for the actual concert, Direk Paul came in and I said, ‘Can you give me ten seconds before you lower the elevator?’And he was hesitant, and he was like, ‘Why?’‘Just turn off the music for ten seconds.’ And then he said, ‘Okay, what’s my visual cue?’When we hug, that’s the visual cue. So even he didn’t know what I was gonna say. It was a complete surprise for everyone,” bulalas ni James.

Liberating ang pagsasalarawan ni James sa pag-amin nila sa publiko  ni Nadine.

“I felt so free. I mean, before in the past, when I dated girls I always had to keep it a secret. It is so difficult. I didn’t want to deny it anymore. I mean, like, maybe it is okay with her, but for me, if someone kept denying on TV over and over again, ‘Oh, no, we are just friends. We don’t mean anything to each other.’ If I hadn’t said it then, I can imagine until now, until whatever day that I do say it, the people will be constantly asking us what’s it gonna be,” deklara pa niya.

Sinabi rin ni Nadine na ayaw niya noong una na umamin sila sa publiko

“I got really worried kasi ayoko. Kasi parang I want us to be private as possible. Para tahimik, walang gulo.”

Pero na-realize  niya na tama ang desisyon ni James na umamin.

“Oo nga, ‘no. Parang gusto ko nga ‘yung feeling. Kasi we don’t have to lie, ganoon,,” sey pa  niya.

Bagamat noon pa namin alam sa Tita ni Nadine na taga-Forbes Park na nanliligaw talaga si James, hindi talaga sinasagot ng dalaga ang young actor. Buong ningning niyang sinasabi na wala siyang gusto kay James.

Pero si James habang tumatagal ay na-develop. Alam niya kung sino ang gusto niya at kailangan niya sa buhay na makasama.

Naramdaman din ni Nadine kung paano siya alagaan ni James. ”He always make me laugh, tapos palaging magaan pakiramdam ko ‘pag kasama ko siya,” sambit ni Nadine.

Bukod dito, nagpaalam din daw si James sa father ni Nadine na liligawan niya ito.

Naging magkaibigan muna sila bago na-inlove sa isa’t isa.

Havey!

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Maris Racal Anthony Jennings

Maris at Anthony pinagwelgahan na ng mga produktong ineendoso

HATAWANni Ed de Leon NOONG una naming marinig ang statement at apology na ginawa niyong …

Jamela Villanueva Maris Racal Anthony Jennings

Pasabog kina Maris at Anthony parang national issue

I-FLEXni Jun Nardo UMARIBA ang mga sawsawero’t sawsawera sa pagbubuking kina Maris Racal at Anthony Jennings na para bang …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Male star bumalik sa pagbebenta ng lupa, direk iniwan

HATAWANni Ed de Leon NAKITA namin ang isang male star na gumagawa ng mga BL series sa …

Neri Naig

Neri Naig laya na, kasong isinampa ipinarerepaso 

HATAWANni Ed de Leon HALOS matapos ang limang araw na pinayagan si Neri Naig na madala sa …

Klinton Start

Klinton Start, patuloy sa paghataw sa dance floor

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG taon na ang nakaraan, isa si Klinton Start sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *