Secretary Sonny Coloma hinusgahan si Sen. BBM

Mabilis na hinusgahan ni Secretary Hermi-nio “Sonny” Coloma, Jr., si Senator Bongbong Marcos.

Hindi raw karapat-dapat ang senador sa boto ng sambayanan dahil ayaw niyang humingi ng paumanhin sa ‘kasalanan’ ng kanyang tatay na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Hindi na natin maintindihan kung paano ba silang mag-isip ganoon din ang ilang indibidwal at organisasyon.

Hindi natin makita ang tamang rason kung bakit pinipilit nilang humingi ng paumanhin si Bongbong sa ngalan ng kanyang tatay.

Ang sinasabing diktadura ng militanteng organisasyon ay hindi nahusgahan. Ibig sabihin, hindi nagkaroon ng pagkakataon ang magkabilang panig, ang mga biktima at ang perpetrator na magkaroon ng paglilitis sa isang hukuman para maigawad ang katarungan at maipataw ang kaparusahan.

Hindi katulad ng dikatador ng Chile na si Augusto Pinochet na nilitis at pinarusahan sa isang international court kaya nakamtan ng mga taga-Chile ang katarungan laban sa diktador na si Pinochet.

Sila man ang lumagay sa sapatos ng batang Marcos, magpapaumanhin ba sila sa ngalan ng ama nang walang paghuhusga na dumaan sa tamang proseso?!

Hindi ba’t sinasabi ng batas na ang isang tao ay nanatiling inosente sa kasalanang ibinibintang hangga’t hindi nililitis at hinahatulan?!

Uulitin lang po natin, mayroong 30 taon ang mga ‘bida’ sa EDSA People Power para gawin ‘yan, pero ginawa ba nila?!

At kung hindi nagawa iyan sa loob ng nasa-bing panahong, sino ngayon ang may karapatang dumampot ng bato para ipukol sa sinasabi nilang makasalanan?!

Secretary kolokoy ‘este’ Coloma, puwede bang humarap ka sa salamin at ulitin ang inyong mga sinasabi?!

Just give it a try.

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com