This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
NGANGA na naman ang Manila Police Distrcit (MPD) sa pangunguna ni District Director, C/Supt. Rolando Nana matapos silang maiskupan ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Anti-Illegal Drugs Special Operation (AIDSOTG) at District Special Operation Unit (DSOU).
Ang QCPD kasi ang nakatimbog sa tatlong Chinese nationals kasama ang dalawang Pinoy na magsasalya sana ng isang kilong shabu pero nang inspeksiyonin ang kanilang mga kotse, umabot sa anim na kilo ang nakompiskang shabu na nakaparada sa gawi ng Harbor View sa likod ng Quirino Grandstand (Luneta).
Ano ba ang nangyayari sa inyo, Gen. Rolly Nana!? Mukhang tutulog-tulog talaga ang intelihensiya ‘este intelligence group ninyo at hindi ninyo alam na ang Maynila ay isa nang bagsakan ng kilo-kilong shabu!
Mayroo ngang ni-raid kamakailan ang peborit MPD unit ni Gen. Nana diyan sa Muslim community sa Quiapo pero ang hinakot ay pawang video karera imbes ilegal na droga?!
Tanong nga ng mga taga-MPD HQ: “Baka oplan pakilala o oplan-patimbre?”
Galaw-galaw Gen. Nana!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com