Debate ba ‘yan o buhatan ng sariling bangko?

presidential debatesKUNG presidential debate nga talaga ang tawag sa inabangan ng sambayanan sa GMA7 nitong Linggo, aba ‘e masasabi nating ‘yan ay walang ‘wentang debate.

Maraming desmayado at hindi nasiyahan, kabilang na ang inyong lingkod, sa debateng walang kawawaan.

Unang-una, ano ba ang pinagdebatehan nila? Meron ba?

Walang klarong plataporma na inihayag sino man sa limang kandidato.

Parang nagkanya-kanyang buhat lang ng bangko, nagpayabangan at nag-asaran.

Sila ba ang aasahan nating mamumuno sa bansa?!

Kung hindi nagpupurihan, nagpapatutsadahan at nang-aangkinan ng kanilang accomplishments.

May nagpapakyut, may nagpapa-martir pero lutang na lutang ang siraan.

Sandamakmak rin ang commercial kaya mas humaba ang oras sa mga sponsor at hindi sa mga kandidato.

Mantakin ninyong 48 minuto mula sa dalawang oras ang inilaan sa TVC!

Kung hindi magbabago ang attitude ng mga presidentiable, malamang ‘yung undecided voters ay tuluyan nang hindi bumoto.

Wala na bang ibang magaling na tao na puwedeng maging presidente ng bansa natin?!

O may problema ang namamahala ng debate?

Iba naman!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com